Pagbabakuna laban sa COVID-19

Publication date: August 2, 2024

Ang pagbabakuna ang isa sa mga pinakaepetibong para maprotektahan ang iyong sarili mula sa pagkakaroon ng malubhang sakit dahil sa COVID-19.

English繁體中文 | 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | فارسی  | Tagalog | 한국어 | Español | عربى  | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी | УкраїнськаРусский

Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles.

Sa pahina na ito

Maging updated para sa mga pagbabakuna laban sa COVID-19

Magkakaroon ng mga bakuna laban sa COVID-19 at trangkaso sa fall 2024 upang maprotektahan ka sa panahon ng respiratory illness season. Makakatanggap ka ng notipikasyon kapag panahon na para i-book ang iyong appointment.

Kailangang nakarehistro ka sa Get Vaccinated system upang makakuha ng imbitasyon.

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong kwalipikasyon para sa bakuna laban sa COVID-19, tumawag sa call centre.

Ang pagkuha ng bakuna laban sa COVID-19 sa summer ay maaaring magdulot ng delay kung kailan maaaring matanggap ang iyong bakuna sa fall.

Kung hindi ka tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19 dito sa B.C.

Magrehistro sa Get Vaccinated system upang matanggap ang iyong imbitasyon para makapag-book ng appointment. Sundan ang mga sumusunod na instruksiyon.

Paano magpabakuna para sa COVID-19

1. Magrehistro sa Get Vaccinated system

Maaari kang magparehistro para sa iyong sarili o para sa ibang tao, tulad ng iyong magulang, lolo't lola o anak. Hindi namin kailanman hihingiin ang iyong SIN, numero ng lisensya sa pagmamaneho o mga detalye sa pagbabangko at credit card.

Pinakamabilis na opsyon: Magrehistro online sa Ingles

Upang magrehistro online, dapat mong ibigay ang:

  • Pangalan at apelyido
  • Petsa ng kapanganakan
  • Postal code
  • Personal Health Number (PHN)
  • Isang email address na regular na tinitingnan o numero ng telepono na maaaring makatanggap ng mga text na mensahe

Hanapin ang iyong PHN sa likod ng iyong lisensya sa pagmamaneho sa B.C., BC Services Card (Card para sa Serbisyo sa BC) o CareCard.

Magrehistro online  2 minuto lamang ito

Iba pang mga opsyon sa pagpaparehistro at pag-book ng appointment

 

Sa pamamagitan ng pagtawag – Piliin ang opsyon na ito kung wala kang PHN

Kung wala kang Personal Health Number (PHN), kailangan mong magrehistro sa pamamagitan ng pagtawag. Gagawan ka ng PHN.

Tumawag sa: 1-833-838-2323 | Lunes hanggang Biyernes, 7 am hanggang 7 pm. Mga statutory holiday, 9 am hanggang 5 pm. | Mayroong mga tagasalin

Mula sa labas ng Canada at USA: 1-604-681-4261

 

Sa isang tanggapan ng Service BC

Maaari kang magparehistro nang personal sa lahat ng tanggapan ng Service BC.

Iba-iba ang mga oras ng opisina ayon sa lokasyon. Alamin muna ito bago pumunta.

Maaaring mabakunahan ang lahat, kahit na wala kang isang PHN o iba pang dokumentasyon. Hindi mahalaga kung ikaw ay isang mamamayan ng Canada.

Magrehistro kahit na nakatanggap ka na ng isang dosis sa ibang lokasyon.

Ang lahat ng iyong impormasyon ay pananatilihing pribado at hindi ibabahagi sa ibang mga ahensya o bahagi ng pamahalaan. 

2. Mag-book ng iyong appointment

Pagkatapos mong magrehistro, magpapadala kami sa iyo ng isang booking invitation link. Gamitin ang link para mag-book ng iyong appointment para sa bakuna online o sa pamamagitan ng pagtawag. 

3. Ano ang aasahan sa iyong appointment

Basahin ang impormasyon tungkol sa kaligtasan ng bakuna laban sa COVID-19 mula sa HealthlinkBC bago ang iyong appointment. Magplano na magtagal nang 15 hanggang 30 minuto sa iyong appointmen.

 

Dumating nang handa 

Maghanda para sa iyong appointment:

  • Hindi mo kailangang mag-fasting. Siguraduhing uminom ng tubig
  • Dalhin ang iyong kumpirmasyon ng booking at may larawang ID
  • Magsuot ng  isang damit na may maikling manggas
  • Dumating ng ilang minutong mas maaga bago ang iyong naka-iskedyul na oras ng appointment
 

Habang nasa appointment

Sa botika o klinika:

  • Mag-che-check-in ka gamit ang iyong mayroong larawang ID at kumpirmasyon ng booking. Kung hindi ka komportableng mabakunahan sa harap ng ibang tao, maaari kang humiling na mabakunahan sa isang pribadong lokasyon
  • Magpabakuna para sa iyong dosis
  • Maghihintay ka sa observation area nang humigit-kumulang 15 minuto

4. Pagkatapos ng iyong appointment

Basahin ang COVID-19 Vaccination Aftercare (PDF, 953KB) mula sa British Columbia Centre for Disease Control.

Alamin ang aking mga opsyon sa bakuna

 

Ang mga bakunang makukuha sa B.C

Nagsagawa ang Health Canada ng isang masinsinang proseso ng pag-apruba na tumitiyak na ang mga bakuna at mga gamot na matatanggap natin ay ligtas. Noong Setyembre 2023, inaprubahan ng Health Canada ang mga pinakabagong bakuna laban sa COVID-19 para sa mga 6 na buwang gulang pataas. Ang mga bakunang ito ay nagbibigay ng mahusay na proteksiyon laban sa mga variant ng COVID-19. 

Kasalukuyang makakakuha ng mga bakunang mRNA sa B.C. Magkakaroon ng higit pang impormasyon sa fall 2024 tungkol sa mga bakuna laban sa trangkaso at COVID-19, kabilang ang isang mas bagong bakunang hindi mRNA. 

Basahin ang impormasyon tungkol sa mga pinakabagong aprubadong bakuna sa Canada.

 

Gusto kong kumuha ng bakunang hindi mRNA

Magkakaroon ng higit pang impormasyon sa fall 2024 tungkol sa mga bakuna laban sa trangkaso at COVID-19, kabilang ang isang mas bagong bakunang hindi mRNA. 

Kung mayroon kang mga tanong, tumawag sa call centre.

 

Mga bakuna para sa mga bata at kabataan

Ang mga bakuna sa COVID-19 ay mahalagang bahagi ng regular na iskedyul ng pagbabakuna ng iyong mga anak.  

Maaaring mapabakunahan laban sa COVID-19 ang iyong anak kasabay ang ibang mga bakuna para sa mga bata, kabilang ang bakuna laban sa trangkaso (influenza). Kung marami kang anak, kailangan ng bawat isa ng appointment.   

Planuhin na magtatagal nang 15 hanggang 30 minuto sa iyong appointment kasama ang iyong anak.  

Ibigay ang pahintulot sa appointment ng pagbabakuna

Kinakailangan ng pahintulot para sa mga bata upang makakuha ng bakuna sa COVID-19. Hihingiin sa iyo na magbigay ng pahintulot sa panahon ng appointment. 

Ang pahintulot para sa isang bata ay maaaring ibigay ng isang:

  • Magulang, legal na tagapangalaga o foster parent
  • Custodial caregiver tulad ng isang lolo at lola, o kamag-anak

Isang magulang, legal na tagapangalaga o foster parent lamang ang kinakailangan upang magbigay ng pahintulot. 

 

Nagkaroon na ako ng COVID-19

Kahit na nagkaroon ka na ng COVID-19 at gumaling dito, kailangan mo pa ring magpabakuna.

Kung kamaikailan ka lamang nagkasakit, makakapagpabakuna ka kapag nawala na ang iyong mga sintomas.

Kung mayroon kang appointment pero may mga sintomas pa rin, magpa-reschedule hanggang magaling ka na.

 

Mga ibang konsiderasyon

Ang lahat ng kwalipikado ay maaaring ligtas na mabakunahan laban sa COVID-19, bagama't napakaliit na bilang ng mga tao ay maaaringkailanganin na i-delay o ipagpaliban  ang pagbabakuna kung mayroon silang mga malubhang allergies sa mga bahagi ng bakuna.

Kung mayroon kang mga alalahanin, makipag-ugnayan sa iyong health care provider tungkol sa kung paano mo ligtas na matatanggap ang mga bakuna.

Bisitahin ang page ng BC Centre for Disease Control tungkol sa mga konsiderasyon sa bakuna para sa karagdagang impormasyon.

  

Talaan ng pagbabakuna o immunization records

Kapag nabakunahan ka, ang iyong impormasyon ay ilalagay sa elektronic na Provincial Immunization Registry. Maaari mong i-access ang iyong rekord ng pagbabakuna online o humiling ng naka-print na kopya sa pamamagitan ng pagtawag o pagpunta sa  tanggapan ng Service BC.

Online:

Magrehistro sa Health Gateway upang makita o i-update ang iyong talaan ng pagbabakuna at i-download ang iyong mga dokumento ng katibayan ng pagbabakuna.

Kailangan mo ng BC services card para magparehistro.

Sa pamamagitan ng pagtawag:

Tumawag sa 1-833-838-2323  upang mag-request ng ipapadalang kopya ng iyong immunization record.

Sa pamamagitan ng pagpunta sa tanggapan ng Service BC:

Maaari kang makakuha ng naka-print na kopya ng iyong immunization record sa lahat ng tanggapan ng Service BC.

Ang katibayan ng bakuna ay hindi na kinakailangan para mapuntahan ang mga negosyo, event at serbisyo sa B.C.

Pag-update ng aking record

Kung nabakunahan ka sa labas ng B.C., dapat mong idagdag ang iyong mga rekord sa Provincial Immunization Registry. Nakakatulong ito upang matiyak na mabibigyan ka ng notipikasyon kapag oras na para mag-book ng iyong susunod na appointment.

Isumite o i-update ang iyong rekord ng pagbabakuna.

Resources

Kaligtasan ng bakuna

Nagsagawa ang Health Canada ng isang masinsinang proseso ng pag-apruba na tumitiyak na ang mga bakuna at mga gamot na matatanggap natin ay ligtas.

  • Masusing sinuri ang mga bakuna bago ito maaprubahang gamitin
  • Patuloy na sinusubaybayan ng Health Canada ang kaligtasan ng bakuna
  • Walang mga pangunahing alalahanin sa kaligtasan ang natukoy sa data na sinuri ng Health Canada 

Basahin ang patnubay ng Health Canada tungkol sa kaligtasan at mga epekto ng bakuna laban sa COVID-19.

Kailangan ko ng tulong

 

Wala akong imbitasyon

Kailangan mong magrehistro sa Get Vaccinated na sistema para makakuha ng imbitasyon. Kung hindi mo pa natatanggap o hindi mo mahanap ang iyong imbitasyon:  

Ipa-resend ang iyong booking link

Tumawag sa call centre kung mayroon kang mga tanong tunkol sa iyong mga opsyon sa pagbabakuna at  kailangan mo ng tulong sa paggawa ng tipanan. Hindi masasagot ng mga ahente sa telepono ang iyong mga tanong tungkol sa pinakamainam na oras para sa iyong susunod na dose. 

Tumawag sa: Call: 1-833-838-2323

Lunes hanggang Biyernes, 7 am hanggang 7 pm. Mga statutory holiday, 9 am hanggang 5 pm. | Mayroong mga tagasalin

Mula sa labas ng Canada at USA: 1-604-681-4261