Mahalagang magpabakuna para sa trangkaso upang maprotektahan ang iyong sarili sa panahon ng fall at winter.
English | 繁體中文 | 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | فارسی | Tagalog | 한국어 | Español | عربى | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी | Українська | Русский
Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles.
Ang trangkaso o flu ay isang nakakahawang karamdaman sa paghinga na dulot ng mga influenza virus na nahahawaan ang ilong, lalamunan at minsan ang mga baga. Maaari itong magdulot ng mild o katamtaman hanggang severe o malubhang sakit, at minsan maaaring humantong sa kamatayan.
Lahat ng residente ng B.C. na 6 na buwang gulang pataas ay maaaring makakuha ng libreng bakuna sa trangkaso o flu vaccine pagdating ng fall at winter.
Mahalagang magpabakuna laban sa trangkaso, lalo na kung ikaw ay:
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kwalipikasyon ng pagbabakuna para sa 2024/2025 seasonal influenza (PDF,134KB) mula sa BCCDC.
Upang makatulong na magkaroon ng mas malakas na immune response, mayroong available na enhanced vaccines para sa mga 65 taong gulang pataas.
Mas mataas ang risk o panganib ng mga mas maliliit na bata sa pagkakaroon ng mga karamdaman sa paghinga tulad ng trangkaso o flu. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng matinding pagkakasakit, pabakunahan ang iyong anak kada taon.
Ligtas na isabay ang pagpapabakuna para sa flu vaccine at iba pang mga bakuna para sa iyong anak.
Ang bakuna ay karaniwang ibinibigay bilang isang dosis. Ang mga batang mas bata sa 9 na taong gulang na hindi pa nakakatanggap ng flu vaccine ay kailangan ng 2 dosis na may 4 na linggong pagitan kada dose. Mahalaga ang pangalawang dose upang mapalakas ang kanilang proteksiyon.
Mayroon kang ilang opsiyon upang makakuha ng bakuna laban sa trangkaso o flu vaccine para sa iyong anak pagdating ng fall at winter.
Hindi pa ako nakakapagrehistro sa provincial Get Vaccinated system
Magrehistro online Upang magrehistro online, kailangan mong ibigay ang iyong Personal Health Number (PHN).
Kung wala kang PHN, kailangan mong magrehistro sa pamamagitan ng pagtawag. Gagawan ka ng PHN.
Tumawag sa: 1-833-838-2323
Kailangan ko ng impormasyon at payo tungkol sa aking personal na kalusugan
Kung mayroon ka pa ring mga tanong tungkol sa iyong pagbabakuna sa B.C., konsultahin ang iyong doktor o health care provider.
Kung wala kang family doctor, tumawag sa 811.
Tumawag sa: 1-833-838-2323 Lunes hanggang Biyernes, 7 am hanggang 7 pm. Mga statutory holiday, 9 am hanggang 5 pm | Mayroong mga tagasalin
Hindi ako residente ng B.C
Ang mga hindi residente ng B.C. ay maaaring tumawag sa provincial call centre sa 1-833-838-2323 para mag-book ng appointment.