Mga paaralang ligtas sa COVID-19

Para sa 2022/2023 school year, papasok na nang full time sa classroom ang mga mag-aaral at staff.

English 繁體中文 简体中文 Français ਪੰਜਾਬੀ فارسی  | Tagalog 한국어 Español عربى  | Tiếng Việt 日本語 हिंदी

Huling binago: Agosto 25, 2022

Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles

Sa page na ito:


Mga hakbang para sa prebensiyon

Mayroong mga hakbang para sa prebensiyon upang mabawasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit, kabilang ang COVID-19. Kabilang dito ang mga epektibong personal na gawi tulad ng kaalaman sa kalusugan, pagpapahinga sa bahay kapag may sakit at regular na paghuhugas ng kamay. Ang lahat ng mga mag-aaral at staff ay dapat:

  • Magpabakuna
  • Magsanay ng health awareness o kaalaman sa kalusugan
  • Manatili sa bahay kapag may sakit

Nanatiling available ang mga online at homeschooling program sa mga mag-aaral.

Health awareness

Binabawasan ng health awareness o kaalaman sa kalusugan ang pagkakataon ng isang tao na pumasok sa paaralan kung sila ay may sakit. Kabilang dito ang regular na pag-check ng mga sintomas ng pagkakasakit upang matiyak na ikaw o ang iyong anak ay hindi papasok sa paaralan habang may sakit.

Dapat na sundin ng mga mag-aaral, staff at iba pang nasa hustong gulang ang pampublikong patnubay tungkol sa pampublikong kalusugan at mga rekomendasyon ng kanilang health care provider kapag sila ay may sakit. Mayroon ding pangkalusugang impormasyon na makikita sa Healthlink BC o sa pamamagitan ng pagtawag sa 8-1-1.

Mga mask

Personal na desisyon para sa lahat ang pagsusuot ng mask o pantakip sa mukha. Maaaring piliin ng mga tao na patuloy magsuot ng mask sa buong araw o habang nagsasagawa ng mg espesipikong aktibidad. Ang desisyon na ito ay susuportahan at irerespeto.

Patnubay para sa communicable disease (nakakahawang sakit)

Ang Provincial Communicable Disease Guidelines para sa mga K-12 na School Setting ay binuo ng Ministry of Education and Child Care, nang nakikipagtulungan sa B.C. Centre for Disease Control (BCCDC), Indigenous rightsholders at mga partner sa edukasyon, kasama ang mga guro, magulang at school administrator.

Ang mga patnubay na ito ay sinusunod ang gabay para sa kalusugan ng publiko at ginagamit ng mga board of education, mga independiyenteng school authority at mga paaralan upang masuportahan ang pagpaplano para sa prebensiyon ng nakakahawang sakit.

Bentilasyon

Titiyakin ng mga paaralan na ang mga sistema ng heating, ventilation and air conditioning (HVAC) ay naka-disenyo, pinapatakbo at isinasaayos ayon sa mga pamantayan ng Occupational Health and Safety (Kalusugan at Kaligtasan sa Trabaho) at WorkSafeBC.

Gumagamit ng ekspertong patnubay upang mapahusay ang kalidad ng hangin sa loob ng mga paaralan at mabawasan ang panganib ng transmisyon ng virus.

Paglilinis at pagdidisimpekta sa mga paaralan

Makakatulong ang regular na paglilinis at disimpektasyon upang mapigilan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit. Magsasagawa ng pangkalahatang paglilinis ng mga paaralan, at mas madalas na lilinisin ang mga madalas na hinahawakang lugar o patungan (halimbawa, isang beses sa isang 24 na oras na panahon) at kapag ito ay nakikitang madumi.


Mga protocol para sa nakakahawang sakit

Mga mag-aaral at staff na nagkasakit sa paaralan

Kung nagkaroon ng mga sintomas ang isang mag-aaral o miyembro ng staff sa paaralan:

  • Magkakaroon ng mga mask ang mga paaralan para magamit ng mga may sakit at mga taong tinutulungan sila
  • Magkakaroon ng lugar ang mga paaralan kung saan mahihiwalay ang mga tao mula sa kanilang mga kaklase o katrabaho at maaaring komportableng maghintay
  • Babantayan ang mga mas maliit na bata kapag ibinukod
  • Makikipag-ugnayan sa magulang o tagapangalaga ng mag-aaral, at hihilingin na kaagad sunduin ang kanilang anak
  • Kaagad na papauwiin ang staff
  • Lilinisin at ididisimpekta ng mga staff sa paglilinis ang mga lugar na ginamit
  • Dapat na manatili sa bahay ang indibidwal at sumunod sa payo ng pampublikong kalusugan kapag babalik na sa mga aktibidad. Maaari na ulit bumalik sa paaralan kapag bumuti na ang kanilang mga sintomas at mabuti na ang kanilang pakiramdam upang bumalik sa mga regular na aktibidad.

Pagkakaroon ng nakakahawang sakit sa paaralan

Patuloy na magkakaroon ng mga nakakahawang sakit, kasama ang COVID-19. Habang mayroon mga kaso nito sa ating mga komunidad, patuloy na maaapektuhan ang mga mag-aaral ng K to 12 at mga miyembro ng staff. Makikipag-ugnayan ang mga paaralan sa public health kung mayroon silang mga alalahanin tungkol sa transmisyon ng nakakahawang sakit sa mga paaralan at kailangan ng karagdagagang suporta.

Mga utos sa pampublikong kalusugan

Maaaring magkaroon ng mga utos sa pampublikong kalusugan para sa buong province, mga buong rehiyon o ilang komunidad. Maaaring kabilang dito ang mga paaralan, o para sa mga espesipikong pagkakataon o aktibidad.

Ipinapatupad ang mga utos sa pampublikong kalusugan ayon sa desisyon ng lokal na Medical health Officer o ng Provincial Health Officer na tugon sa mas malawak na panganib ng transmisyon ng nakakahawang sakit sa komunidad.


Sa loob at labas ng classroom

Mga bisita sa paaralan

Dapat na sundin ng lahat ng mga bisita sa loob ng paaralan, kabilang ang mga community group, ang communicable disease prevention plan ng paaralan, kasama dito ang pananatili sa bahay kapag may sakit. Ang paggamit ng mga pasilidad ng paaralan pagkatapos ng oras ng klase ay itinatalaga ng mga school district, indipendiyenteng school authority o mga paaralan.

Music, pisikal na edukasyon, sports, clubs at extracurricular na aktibidad

Pinapahintulutan ang lahat ng programa sa musika, pisikal na edukasyon, sports, clubs at extracurricular na aktibidad.

Dapat na hinihikayat ang mga mag-aaral na:

  • Hugasan ang kanilang mga kamay bago at pagkatapos gamitin ang mga shared o pinaghahatiang kagamitan
  • Huwag makigamit ng kagamitan na ginagamit ang bibig, tulad ng isang instrumentong may mouth piece o inuman ng tubig, maliban na lamang kung nalilinis ito at nadidisimpekta sa pagitan ng paggamit nito

Mga assembly, pagtitipon at events

Maaaring isagawa ang mga school assembly, pagtitipon at events.


Karagdagang tulong para sa mga mag-aaral

Mga Katutubong mag-aaral

Ganap na ginagalang ng ministry ang hurisdiksiyon ng First Nations at ang kanilang karapatan na magsagawa ng kanilang sariling desisyon tungkol sa mga paaralan ng First Nations. Pumunta sa website ng First Nations Schools Association para sa mga pinakabagong update.

Mga international student

Ang mga international student na dumadating o bumabalik sa B.C. ay kailangang sumunod sa patnubay sa pagbiyahe para sa COVID-19 ng pederal na pamahalaan.


Mental health (kalusugan ng kaisipan)

Dahil sa pandemya, alam nating ang mga mag-aaral, guro, staff at administrator ay nagkaroon ng anxiety (pagkabalisa), stress at iba pang pangangailangan sa kalusugan ng kaisipan. Patuloy na ginagamit ng sektor ng K to 12 ang isang ingklusibo at trauma-informed na paraan, na may pokus sa mental health at kapakanan.

Nagbigay ang Province of BC ng karagdagang $5 milyong pondo noong 2021/22 upang suportahan ang mga serbisyo sa mental health para sa mga mag-aaral at staff. Nakatulong ang mga pondong ito upang palawakin ng mga kasalukuyang programa at magsimula ng mga bagong tulong upang matugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan ng kaisipan ng mga mag-aaral at staff.

Noong spring 2021, isang mental health working group ang itinatag na mayroong mga kinatawan mula sa BC Confederation of Parent Advisory Councils (BCCPAC), primary care, pamahalaan, Mga Katutubong guro at rights holders, grupong administratibo at unyon at iba pang stakeholder o kaakibat sa edukasyon. Binalangkas ng working group ang mga mahalagang prinsipyo at binuo ng mga resource upang matiyak na natutugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan ng kaisipan ng mga mag-aaral at staff.

Mga resource para sa mga mag-aaral at staff


Mga programa sa edukasyon

In-class instruction

Walang substitute o kahalili ang in-class instruction (pag-aaral sa loob ng classroom). Nagbibigay ito sa mga mag-aaral ng harapan at pag-aaral na pinamumunuan ng isang guro, tumutulong sa panlipunan at emosyonal na pag-unlad at nakakabawas sa pakiramdam ng isolation.

Nagbibigay rin ang paaralan sa maraming mag-aaral ng mga suporta na hindi nila makukuha sa tahanan at mahalaga para sa kanilang pangkalahatang kalusugan.

Online learning

Parehong nag-aalok ng mga online class ang mga pampubliko at independent na online learning school. Dapat na kumuha ng isang full course load sa isang paaralan ang mga mag-aaral sa kindergarten hanggang Grade 7, habang ang mga mag-aaral sa Grade 8 hanggang 12 ay maaaring ganap na mag-aral mula sa bahay, o mag-aral sa paaralan at kumuha ng ilang course online.

Mayroong 48 na school district na may 53 pampublikong paaralan na nag-aalok ng mga online learning course. Nag-aalok rin ng mga course at programa ang mga independent online learning school.

Homeschooling

Ang homeschooling ay karaniwang pinamumunuan ng isang miyembro ng pamilya na nagbibigay ng programa sa edukasyon sa isang bata sa tahanan.

Tandaan: Ang mga nasa-homeschool ay hindi kwalipikadong makatanggap ng isang British Columbia Dogwood Graduation Certificate.

Homebound education

Kung mayroon kang anak na immunocompromised o mayroong malubhang medical na kondisyon, maaari kang maka-access sa homebound program. Makipag-ugnayan sa iyong lokal na school district para sa higit pang impormasyon.


Kailangan ko ng tulong

Makipag-ugnayan sa iyong paaralan

Mayroong mga tanong? Ang iyong paaralan o distrito ang pinakamainam na lugar para humingi ng tulong.

Hanapin ang contact information ng paaralan

Tulong sa iba’t ibang wika

Mayroong mga serbisyo sa pagsasalin sa higit na 140 wika, kabilang:

  • 國粵語
  • ਪੰਜਾਬੀ
  • فارسی
  • Français
  • Español
Tumawag sa 1-888-268-4319Available mula 7:30 am hanggang 8 pm