Kumuha ng dagdag na bakuna laban sa COVID-19
Kumuha ng pinakabagong bakuna laban sa COVID-19 kapag inilunsad ang susunod na vaccination campaign sa darating na fall. Kung nakatanggap ka ng imbitasyon para magpabakuna ngayong spring, maaari ka pa ring mag-book ng appointment.
Makakatulong ang dagdag na dose para mapahaba ang iyong proteksiyon laban sa mga malubhang resulta dulot ng COVID-19.
English | 繁體中文 | 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | فارسی | Tagalog | 한국어 | Español | عربى | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी | Українська | Русский
Huling binago: Agosto 18, 2023
Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles.
Sa page na ito:
- Fall COVID-19 vaccine program
- Alamin ang iyong mga opsyon ng bakuna
- Kailangan ko ng karagdagang dose
Fall COVID-19 vaccine program
Ang fall vaccination campaign ng B.C. ay magiging batay sa pinakabagong rekomendasyon mula sa National Advisory Committee on Immunization (NACI). Kasalukuyang inirerekomenda ng NACI na magpabakuna ang karamihan para sa kanilang susunod na dose ng bakuna sa fall 2023. Sa panahong ito magiging available ang mga bagong bakuna na magbibigay ng mas mahusay na proteksiyon laban sa mga pinakabagong variant.
Magiging available sa mga susunod na buwan ang higit pang impormasyon tungkol sa fall COVID-19 vaccination campaign.
Kung kailangan mong makuha ang iyong inisyal na serye ng bakuna para sa COVID-19, magrehistro sa Get Vaccinated system at mag-book ngayon ng iyong appointment.
Ang pagkuha ng karagdagang bakuna laban sa COVID-19 ay bahagi ng iyong regular na pangangalaga sa kalusugan at nagbibigay ng napakahusay na proteksiyon mula sa mga malubhang karamdamang may kaugnayan sa COVID-19.
Para makakuha ng buong proteksiyon, lahat ng 5 taong gulang pataas ay maaaring magpabakuna ng karagdagang dose, kahit na nagkaroon ka na ng COVID-19.
Ang mga pinakabagong bakuna laban sa COVID-19 na magiging available sa fall 2023 ay magbibigay ng proteksiyon laban sa mga pinakabagong variant ng SARS CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.
Depende sa iyong edad ang matatanggap mong bakuna:
-
Ang mga 5 taong gulang pataas ay bibigyan ng pinaka-updated na bakuna
Hindi mahalaga kung ano ang bakunang natanggap mo para sa iyong dalawang naunang dose.
Gusto kong kumuha ng bakunang hindi mRNA
Kung ikaw ay 12 taong gulang pataas at gusto ng bakunang hindi mRNA, mayroong limitadong supply ng bakunang Novavax sa mga botika. Mayroong bagong bakunang hindi mRNA na magiging available ngayong fall na magbibigay ng mas mahusay na proteksiyon laban sa mga pinakabagong variant.
Kung gusto mong magpabakuna ng Novavax ngayon, piliin ang opsyon para sa bakunang hindi mRNA (non-mRNA vaccine) kapag nag-book ng appointment online o kapag tumawag sa call centre.
Kung nakatanggap ka ng imbitasyon para magpabakuna nitong spring, maaari kang mag-book ng appointment online o tumawag sa call centre. Subalit maaaring kailangan mong maghintay nang hindi bababa sa 6 na buwan sa pagitan ng iyong huli at susunod na dose para sa pinakamahusay na proteksiyon. Maaari nitong maapektuhan kung kailangan ka maaaring makakuha ng iyong susunod na bakuna laban sa COVID-19.
Kung ikaw ay 18 taong gulang pataas, natanggap ang iyong huling bakuna makalipas ang 6 na buwan, at sa tingin mong kailangan mo ng isa pang dose ngayon, makipag-ugnayan sa iyong health care provider o pharmacist. Subalit kasalukuyang inirerekomenda ng NACI na magpabakuna ang karamihan sa fall 2023 para sa kanilang susunod na dose. Sa panahong ito magiging available ang mga bagong bakuna na magbibigay ng mas mahusay na proteksiyon laban sa mga pinakabagong variant. Kapag nagpabakuna ka na ngayon, maaaring maapektuhan nito kung kailan ka maaaring susunod na mabakunahan.
Wala akong imbitasyon
Kailangan mong magrehistro sa Get Vaccinated system para makakuha ng imbitasyon. Kung hindi mo pa natatanggap o hindi mo mahanap ang iyong imbitasyon:
Kailangan ko ng tulong sa pag-book ng appointment
Tumawag sa call centre kung kailangan mo ng tulong sa pag-book ng appointment. Hindi masasagot ng mga phone agent ang iyong mga tanong tungkol sa pinakamainam na timing o iskedyul para sa iyong susunod na dose.
Tumawag sa: 1-833-838-2323Lunes hanggang biyernes, 7 am hanggang 7 pm. Mayroong mga tagasalin.
Mula sa labas ng Canada at USA: 1-604-681-4261