Mga gamot para sa COVID-19
Ang mga gamot ay hindi substitute o panghalili para sa pagbabakuna. Ang pagbabakuna ang pinakamainam na paraan upang protektahan ang iyong sarili at ibang tao.
Mayroong mga gamot para sa mga taong high risk (may mataas na panganib) na magkaroon ng COVID-19.
English | 繁體中文 | 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | فارسی | Tagalog | 한국어 | Español | عربى | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी
Last updated: Mayo 26, 2023
Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles
Sa page na ito:
- Mga gamot para sa mga taong may COVID-19
- Mga maaaring makatanggap ng mga gamot
- Paano makakuha ng gamot
Mga gamot para sa mga taong may COVID-19
Mayroong dalawang therapeutic treatment o gamot na aprubado para sa COVID-19 kung mayroon kang mild (hindi malubha) o moderate (katamtaman) na sintomas ng COVID-19:
- Ang Paxlovid ay isang set ng antiviral pills na maaaring inumin sa bahay
- Dapat na ibigay ang Remdesivir sa pamamagitan ng pagturok sa vein (ugat) at kailangang pumunta sa isang clinic o ospital
Hindi pinipigilan ng mga gamot na ito ang pagkakaroon ng COVID-19. Ginagamit ito upang mapigilan ang pagkakaroon ng malubhang sakit sa mga taong mas mataas ang panganib mula sa COVID-19.
Para maging epektibo, dapat itong simulan sa loob ng 7 araw mula nang magkaroon ng sintomas. Para sa kaligtasan, dapat na mayroong reseta ang mga gamot na ito galing sa isang health care provider. Maaaring hindi ka makakatanggap ng gamot na ito kung umiinom o tumatanggap ka na ng iba pang mga gamot.
Bisitahin ang website ng British Columbia Centre for Disease Control (BCCDC) para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga gamot para sa COVID-19.
Mga maaaring makatanggap ng mga gamot
Maaaring makatulong ang mga gamot na tulad ng Paxlovid o Remdesivir kung mayroon kang mild (hindi malubha) o moderate (katamtaman) na sintomas na nagsimula sa nakaraang 7 araw at isang positibong resulta, at kung naaangkop para sa iyo ang anuman sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Immunocompromised (may mahinang immune system)
- Clinically extremely vulnerable (lubos na bulnerable dahil sa klinikal na diagnosis)
O naaangkop sa 2 mula sa TATLONG sitwasyon.
Senior:
-
70 taong gulang pataas
-
60 taong gulang pataas at Indigenous
Hindi nabakunahan, o hindi nakatanggap ng 2 bakuna at booster sa nakaraang taon
- Basahin ang COVID-19 vaccine: Canadian Immunization Guide mula sa pederal na pamahalaan
May 1 o higit pang malubhang chronic o malalang medikal na kondisyon
Kasalukuyang inirerekomenda ang mga gamot sa COVID-19 para sa mga 18 taong gulang pataas.
Kung mayroon kang kondisyong pangkalusugan na nagpapahina sa iyong immune system, itinuturing kang clinically extremely vulnerable (lubos na bulnerable dahil sa klinikal na diagnosis).
- Sumailalim sa solid organ transplant at tumatanggap ng immunosuppressive treatment (gamot na nakakapagpahina ng immune system)
- Sumailalim sa bone marrow o stem cell transplant
- Ginamot para sa cancer, kabilang ang haemaological malignancies (mga uri ng kanser na nakaapekto sa dugo, bone marrow at mga lymph node)
- Diagnosis na may moderate (katamtaman) hanggang severe (malubha) na primary immunodeficiency (hindi gumaganang immune system)
- Hindi nagamot o advanced HIV (CD4 < 200 cells/mm3)
- Sumasailalim sa dialysis o may malubhang kidney disease (sakit sa bato) at tumatanggap ng anumang immunosuppressant (gamot na nagpapahina ng immune system)
- Tumatanggap ng immunosuppressive treatment (gamot na nagpapahina sa immune system)
- Mataas na dosis ng steroids
- Biologics (halimbawa: adalimumab, etanercept, infliximab, interferon products)
- Mga anti-CD20 agent (halimbawa: rituximab, ocrelizumab, ofatumumab, obinutuzumab, ibritumomab, tositumomab)
- Mga b-cell depleting agent (halimbawa: epratuzumab, belimumab, atacicept, anti-BR3, alemtuzumab)
- Mga immune-suppressing agent o nagpapahina ng immune system (halimbawa: cyclophosphamide, cisplatin, methotrexate)
- Nakatanggap ng sulat mula sa Office of Provincial Health Office na nagpapahayag na ikaw ay clinically extremely vulnerable (CEV, lubos na bulnerable dahil sa klinikal na diagnosis) dahil mahina ang iyong immune system
Kung mayroon ka ng anuman sa mga sumusunod na kondisyon, itinuturing kang clinically extremely vulnerable.
- Cystic fibrosis
- Severe (malubha) na chronic obstructive pulmonary disease (COPD) o asthma (hika) na nangangailangan ng pagpapaospital sa nakaraang taon
- Tumatanggap o umiinom ng biologics para sa asthma (hika), severe lung disease (malubhang sakit sab aga) at hindi bababa sa isa sa mga sumusunod:
- Long-term home oxygen therapy
- Assessment o ebalwasyon para sa isang lung transplant
- Severe pulmonary arterial hypertension
- Severe pulmonary fibrosis/interstitial lung disease
- Mga rare o bihirang sakit sa dugo
- Diabetes na ginamot gamit ang Insulin
- Splenectomy (pagtanggal ng spleen) o functional asplenia
- Mga significant na developmental disability (kapansanan sa pag-unlad), kabilang ang:
- Down Syndrome
- Cerebral Palsy
- Intellectual Developmental Disability (IDD)
- Tumatanggap ng suporta mula sa Choice in Supports for Independent Living (CSIL) o Community Living British Columbia (CLBC)
- Buntis o nagdadalang-tao na may malubhang sakit sa puso (mula pagkapanganak o sakit na acquired) na nangangailangan ng obserbasyon ng isang cardiologist (espesyalista sa puso) habang nagbubuntis
- Mga neurological o iba pang kondisyon na nagdudulot ng matinding pagkahina ng muscle sa baga na nangangailangan ng paggamit ng ventilator o patuloy na Bi-level positive airway pressure (Bi-PAP)
- Sumasailalim sa dialysis o may stage 5 na chronic kidney disease (hindi gumagaling na sakit sa bato) (eGFR < 15ml/min)
Maaaring makatulong ang gamot na ito kung mayroon kang isa o higit pang malubhang medikal na chronic condition. Ang availability ng gamot ay depende sa iyong edad at kung ikaw ay bakunado.
Kabilang sa mga halimbawa ng mga malubhang medikal na chronic condition o malalang sakit ang:
- Stroke
- Heart failure (paghina ng puso) o sakit sa puso
- Chronic o malalang sakit sa kidney (bato) o liver (atay)
- Chronic o malalang sakit sa baga tulad ng COPD
- Diabetes
- Mga Neurological na sakit tulad ng Parkinson’s
Paano makakuha ng gamot
Kung nabasa mo ang criteria at naniniwala kang may benepisyo para sa iyo ang gamot, makipag-ugnayan sa lalong madaling panahon sa iyong family doctor, nurse practitioner o espesyalista. Maaaring hindi ka makatanggap ng Paxlovid o Remdesivir kung ipagpapaliban ito dahil dapat simulan ang pag-inom o pagtanggap ng gamot sa loob ng 7 araw mula nang magkaroon ng mga sintomas.
Hindi magagarantiyang makakatanggap ka ng gamot. Hindi para sa lahat ang mga gamot na Paxlovid at Remdesivir at dapat itong ireseta ng isang health care provider. Maaaring pagdesisyunan ng isang doktor o pharmacist sa anumang stage na hindi para sa iyo ang gamot.
Wala akong family doctor
Kung wala kang family doctor, nurse practitioner o espesyalista, o hindi makakuha ng appointment sa loob ng 3 araw mula magsimula ang mga sintomas, maaari kang mag-request ng paggamot sa pamamagitan ng Service BC.
Mayroong 4 na hakbang ang proseso ng request. Dapat kumpletuhin mo ang bawat hakbang. Basahin nang mabuti ang mga instruksiyon at tiyakin na mayroon ka ng lahat ng kinakailangang impormasyon.
Tinatayang tatagal nang: 15 minuto
Upang mag-request ng gamot, dapat mo munang kumpletuhin ang isang self-assessment questionnaire (talatanungan para sa sariling ebalwasyon).
Sagutan ang iyong self-assessment
Kung kailangan mo ng tulong sa pagsagot ng self-assessment, tumawag sa Service BC: 1-888-COVID-19 (Lunes hanggang Biyernes 7 am hanggang 7 pm)
Tinatayang tatagal nang: 15 minuto
Kung ipinapakita ng iyong self-assessment na maaaring makatulong sa iyo ang gamot, patatawagin ka sa Service BC. Sa tawag na ito, ang agent sa kabilang linya ay:
- Hihilingin sa iyong ulitin mo ang iyong mga sagot
- Kukumpirmahin na natutugunan mo ang criteria
- Kukuha ng higit pang impormasyon upang ipadala sa health care team
Kailangan mo ng:
- Iyong Personal Health Number (PHN)
- Numero ng telepono kung saan maaari kang tumanggap ng tawag
- Mailing address ng tirahan
Pagkatapos nito ay sasabihin ng Service BC agent kung ano ang iyong mga susunod na hakbang. Kung mayroon kang mga medical na tanong, hindi sinanay ang mga agent para sagutin ang mga ito. Dapat na maghintay ka para tanungin mo ito sa medical team sa panahon ng iyong clinical assessment.
Tinatayang tatagal nang: sa loob ng 3 araw mula simula ang proseso
Makakatanggap ka ng tawag mula sa isang health care provider sa pagitan ng 9 am hanggang 9 pm. Gagawin nila ang mga sumusunod:
- Susuriin ang iyong mga gamot at impormasyong pangkalusugan
- Magbibigay ng higit pang impormasyon tungkol sa paggamot gamit ang Paxlovid at Remdesivir
Dapat na handa kang makipag-usap tungkol sa:
- Kung anong mga gamot at supplement ang kasalukuyan mong iniinom
- Anumang medikal na kondisyong mayroon ka
- Anumang medikal na procedure na kamakailang isinagawa
- Anumang mga allergy na mayroon ka
Pagdedesisyunan ng medical team kung ligtas ba para sa iyong makatanggap ng gamot.
Tinatayang tatagal nang: sa loob ng 5 araw mula simula ang proseso
Kung binigyan ka ng reseta para sa Paxlovid, makakatanggap ka ng instruksiyon para makuha ang iyong supply ng gamot.
Kung binigyan ka ng reseta para sa Remdesivir, ididirekta ka sa isang lokal na health care facility upang matanggap ang gamot sa pamamagitan ng infusion.
Habang naghihintay ng desisyon tungkol sa iyong gamot, basahin ang patnubay ng BCCDC tungkol sa pamamahala ng mga sintomas ng COVID-19 sa bahay.
Kung magkaroon ka ng malubhang sintomas, dapat na kaagad:
- Tumawag sa 911
o - Pumunta sa isang urgent care clinic o emergency department
Impormasyon para sa mga hindi makakatanggap ng reseta para sa gamot
Kung pinayuhan ka na hindi nararapat para sa iyo gamot na Paxlovid o Remdesivir, dapat mong:
- Sundin ang mga patnubay sa self-isolation
- Alamin kung paano pamamahalaan ang iyong mga sintomas ng COVID-19 sa bahay
- Magpunta sa doktor kung lumala ang iyong mga sintomas