COVID-19 Isinalin na Nilalaman
Mga balita, impormasyon at mga panlalawigang suporta para sa mga naapektuhan ng COVID-19 sa British Columbia
Huling Binago: 12-23-2020
Makipag-usap sa isang ahente ng Serbisyo BC (Service BC) tungkol sa impormasyon at mga serbisyong hindi kaugnay sa kalusugan katulad ng
- Pangangalaga ng Bata
- Mga pagbabawal sa paglalakbay
- Negosyo at suporta sa pagpopondo
Ang impormasyon ay makukuha sa higit sa 110+ na mga wika mula 7:30 ng umaga hanggang 8 ng gabi Oras ng Pasipiko
Canada:
1-888-268-4319
Internasyunal:
1-604-412-0957
Mga pamantayang singil sa mensahe at datos ay maaaring i-aplay.
Telepono para sa Bingi
Sa Buong B.C. I-Dial ang 711
Mga pagbabawal sa buong lalawigan
Sa utos at tagubilin ng PHO, ang lahat ng mga kaganapan at mga panlipunang pagtitipon ay nasuspinde upang makabuluhang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 na nauugnay sa mga panlipunang pakikipag-ugnay at paglalakbay.
Isang Maingat na Muling Pagsisimula
Ang muling pagsisimula ng B.C. ay isang maingat, hakbang-hakbang na proseso:
Mga Mahalagang Serbisyo na Nagpapatakbo sa Panahon ng COVID-19
- Mga mahalagang kalusugan at serbisyong pangkalusugan
- Pagpapatupad ng batas, pampublikong kaligtasan, mga unang tumutugon at kawaning tumutugon sa emerhensiya
- Mga tagapagbigay ng serbisyo sa mahinang populasyon
- Kritikal na imprastraktura
- Serbisyo sa pagkain at agrikultura
- Transportasyon
- Industriya at pagmamanupaktura
- Kalinisan
- Mga komunikasyon at teknolohiya ng impormasyon
- Mga pampinansiyal na institusyon
- Ibang mga tagapagbigay ng mahalagang serbisyong hindi-pangkalusugan
itinalaga bilang mga mahalagang serbisyo ay bumuo ng mga plano ng ligtas na pagpapatakbo sa pakikipagkonsulta sa WorkSafeBC at bilang pagsunod sa mga kautusan ng pampublikong kalusugan na inilabas ng Panlalawigang Opisyal ng Kalusugan.
Yugto 2 - Kalagitnaan ng Mayo pasulong
Sa ilalim ng mga pinahusay na protokol:
- Pagpapanumbalik ng mga serbisyong pangkalusugan
- Muling pag-iiskedyul ng elektibong operasyon
- Mga kaugnay sa medikal na serbisyo:
- Dentisterya, physiotherapy, rehistradong terapewtika ng masahe, at mga chiropractor
- Pisikal na terapewtika, terapewtika sa pagsasalita, at mga katulad na serbisyo
- Sektor ng tingian
- Mga salon ng buhok, mga barberya, at ibang mga negosyo ng personal na serbisyo
- Pagpapayo nang personal
- Mga restawran, mga kapehan, at mga pub (na may mga sapat na hakbang sa pagdidistansiya)
- Mga museo, mga galerya ng sining, at mga aklatan
- Mga nakabatay sa opisinang lugar ng trabaho
- Libangan at mga isport
- Mga parke, mga dalampasigan, at mga panlabas na lugar
Pangangalaga ng bata
Yugto 3 - Hunyo hanggang Setyembre
Kung manatiling mababa o bumababa ang mga antas ng pagkalat, sa ilalim ng mga pinahusay na protokol:
- Mga hotel at mga resort (Hunyo 2020)
- Mga parke – mas malawak na muling pagbubukas, kabilang ang magdamag na kamping (Hunyo 2020)
- Industriya ng pelikula – magsisimula sa mga domestikong produksyon (Hunyo/Hulyo 2020)
- Piling aliwan – mga pelikula at simponya, nguni’t hindi malaking mga konsiyerto (Hulyo 2020)
- Post-sekundaryong edukasyon – na pinaghalong online at loob ng klase (Setyembre 2020)
- K-12 na edukasyon – na may bahagyang pagbalik ngayong taon ng paaralan na ito (Setyembre 2020)
Yugto 4 - Pagpapasyahan
Kondisyonal sa hindi bababa sa isa sa mga sumusunod; malawak na pagbabakuna, resistensiya ng “komunidad”, malawak na matagumpay na mga panggagamot:
- Mga aktibidad na nangangailangan ng malalaking pagtitipon, tulad ng:
- Mga kombensyon
- Live na tagapanood ng propesyunal na mga isport
- Mga konsiyerto
- Internasyunal na turismo
Ang tiyempo ng isang ligtas na muling pagsisimula ng mga night club, mga sugalan at mga bar ay isang mas kumplikadong pagsasaalang-alang. Kagaya ng ibang mga sektor, ang mga asosasyon ng industriya ay inaasahang bumuo ng mga plano ng ligtas na operasyon, upang repasuhin, na sumusunod sa Mga Patnubay ng Pampublikong Kalusugan at Kaligtasan, pati na rin ng WorkSafeBC.
Ang mga mapagkukunan upang tulungan ang mga negosyo at mga sektor habang nagsisimula silang muli ng kanilang mga aktibidad kasama ang bagong Mga Patnubay at mga Tseklist sa Kalusugan ay makukuha mula sa WorkSafeBC.
- Manatili sa bahay at panatilihin ang isang ligtas na distansiya mula sa pamilya kung ikaw ay may sipon o mga sintomas ng trangkaso, kabilang ang:
- Pag-ubo
- Pagbahing
- Tumutulong sipon
- Masakit na lalamunan
- Pagkapagod
- Walang pakikipagkamay o mga pagyakap sa labas ng iyong pamilya
- Magsanay ng mahusay na kalinisan, kabilang ang:
- Regular na paghuhugas ng kamay
- Pag-iwas sa paghawak ng iyong mukha
- Pagtatakip ng ubo at mga pagbahing
- Pagdisimpekta ng mga madalas na hinihipong ibabaw
- Panatilihin ang pisikal na pagdidistansiya, hangga’t maaari kapag nasa komunidad at kung saan hindi posible, isaalang-alang na gumamit ng isang hindi pangmedikal na maskara o pantakip sa mukha
Tulad ng mahahalagang serbisyo sa panahon ng pandemya, ang lahat ng mga tagapag-empleyo ay dapat na magpakita na sila ay maaaring magpatakbo ng ligtas. Sa katunayan, ang lahat ng mga tagapag-empleyo ay kinakailangan sa ilalim ng Batas ng Kabayaran sa mga Manggagawa (Workers Compensation Act) na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado sa trabaho.
Habang ang mga lokal na negosyo, mga hindi-pangkalakal at mga organisasyon ay nagpaplano para sa kanilang muling pagsisimula, ang WorkSafeBC ay narito upang tumulong.
Ang WorkSafeBC ay nakikipagtulungan sa mga asosasyon ng industriya upang tiyakin na ang tagubilin at patnubay na kanilang ibinibigay sa kanilang mga miyembro ay tumutugon sa mga kinakailangan na itinakda ng Panlalawigang Opisyal ng Kalusugan.
Ang WorkSafeBC ay nakikipagtulungan sa mga tagapag-empleyo at mga manggagawa sa pamamagitan ng mga pang-edukasyong materyales, konsultasyon, at mga pag-inspeksyon ng lugar ng trabaho upang tulungan silang muling magsimula nang ligtas.
Ang mga tagapag-empleyo ay kinakailangan na:
- Repasuhin ang bagong Mga Patnubay sa Kalusugan at Kaligtasan, mahusay na mga kasanayan at iba pang mga mapagkukunan mula sa WorkSafeBC
- Ibagay ang mga materyales na ito sa naaangkop na mga Plano ng Kaligtasan sa COVID-19 para sa iyong lugar ng trabaho
Ang mga sektor na nagpatakbo sa panahon ng pandemya ay maaaring kailanganin na magpabago ng kanilang Plano ng Kaligtasan sa COVID-19 upang umangkop sa pinabagong Mga Patnubay sa Kalusugan at Kaligtasan, mga pinakamahusay na kasanayan at mga mapagkukunan.
website ng WorkSafeBC1-888-621-7233 o tawagan ang Linya ng Impormasyon sa Pampigil ng WorkSafeBC sa .
Mag-apply para sa Suporta mula sa Probinsya ng BC
Ang pamahalaan ng B.C. ay gumagawa ng kagyat at ankop na mga hakbang upang tulungan ang bawat tao at bawat pamilya na matugunan ang maaring pagkakasakit, kahirapan sa pera, o walang katiyakang trabaho.
Pang-emergency na tulong para sa pag-aalaga ng mga batang anak ng mga Mahalagang Kinakailangang Manggagawa
Kung ikaw ay isang magulang na nagtatrabaho sa isang mahalagang serbisyong tungkulin at naghahanap ng pangangalaga para sa iyong (mga)anak na sanggol hanggang 5 taong gulang, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
1. Repasuhin ang pinabagong listahan ng mga manggagawa ng mahalagang serbisyo upang makumpirma kung kwalipikado ang iyong tungkulin.
Ipa-prayoridad ng mga bukas na pasilidad ng pangangalaga sa bata, mga paaralan na nagbibigay ng pangangalaga at/o loob ng klaseng pagtuturo ang paglalagay para sa mga anak ng mga magulang na naka-empleyo sa:
- Kalusugan at Mga Serbisyong Pangkalusugan
- Mga Serbisyong Panlipunan
- Pagpapatupad ng Batas
- Mga Unang Tagatugon
- Pang-emerhensiyang Tugon
Ang mga serbsiyo ng pangangalaga para sa mga batang nasa gulang ng paaralan (5-12 na taong gulang) ay maaaring makuha sa pamamagitan ng paaralan nang direkta.
2. Kumpletuhin ang isa sa mga sumusunod na pormularyo:
- Panlalawigang pormularyo- Pansamantalang Pang-emerhensyang Pangangalaga ng Bata para sa Mahahalagang Manggagawa (Temporary Emergency Child Care for Essential Workers)
- Lungsod ng Vancouver lamang na pormularyo – Pansamantalang Pang-emerhensyang Pangangalaga ng Bata para sa Mahahalagang Manggagawa (Temporary Emergency Child Care for Essential Workers)
3. Sa oras na naisumite ang pormularyo, ang piniling lokal na Sentrong Mapagkukunan ng Pangangalaga ng Bata at Pagsasangguni (Child Care Resource and Referral Centre) ay makikipag-ugnay sa iyo upang simulan ang proseso ng paghahanap ng magagamit na lugar para sa pangangalaga ng bata sa iyong lugar.
Mga Bagong Pamamaraan ng Pamamahala ng B.C.
Mga makabagong paraan ng pagmamahala ng B.C. para tumugon at magbigay ng suporta at impormasyon kaugnay ng COVID-19. Gamitin ang mga subtitle ng Youtube upang panoorin ang mga video ng press conference (pagpupulong ng mga pahayagan) ng Pamahalaan at Panlalawigang Opisyal ng Kalusugan
- 06-Enero, Dinoble ng lalawigan ang CleanBC na mga diskuwento sa retrofit ng enerhiya sa bahay - Province doubles CleanBC home energy retrofit rebates (PDF)
- 08-Disyembre, Ang mga aplikasyon para sa $1,000 na Benepisyo sa Pagkabawi ng B.C. (B.C. Recovery) ay magsisimula sa lalong madaling panahon - Applications for $1,000 B.C. Recovery Benefit will begin soon (PDF)
- 26-Agosto, Ang mga detalyadong plano ay sumusuporta sa ligtas na pagbabalik sa silid-aralan - Detailed plans support safe return to classroom (PDF)
- 29-Hulyo, Plano upang ligtas na maibalik ang mga mag-aaral ng K-12 sa full-time na klase - Plan to safely bring K-12 students back to class full time (PDF)
- 25-Hunyo, Muling pagsisimula ng paaralan sa Hunyo ay nagtakda ng yugto para sa Setyembre - June school restart sets the stage for September (PDF)
- 02-Hunyo, Ang mga British Columbian ay magbabahagi ng mga ideya sa pamamagitan ng internet para sa Badyet 2021 - British Columbians to share ideas virtually for Budget 2021 (PDF)
- 15-Mayo, Inilabas ng WorkSafeBC ang espesipiko-saindustriyang patnubay para sa susunod na yugto ng muling pagsisimula - WorkSafeBC guidelines support safe reopening of businesses (PDF)
- 12-Mayo, Pahayag ng Premiyer sa Pambansang Araw ng mga Nars - Premier’s statement on International Nurses Day (PDF)
- 01-Mayo, Bukas na ngayon ang mga aplikasyon sa online para sa Mga Benepisyong Pang-emerhensiya para sa Mga Manggagawa ng B.C. - Online applications open for B.C. Emergency Benefit for Workers (PDF)
- 26-Abril, Higit pang suporta para sa mga tagapagbigay ng pangangalaga sa pamilya sa panahon ng COVID-19 - More support for family caregivers during COVID-19 (PDF)
- 23-Abril, Mga Aplikasyon sa Pang-emerhensiyang Benepisyo para sa Manggagawa ng B.C. (BC. Emergency Benefit for Workers) - Applications for B.C. Emergency Benefit for Workers to open May 1 (PDF)
- 10-Abril, Pahayag mula kay Premier John Horgan sa Pasko ng Pagkabuhay - Premier's statement on Easter (PDF)
- 09-Abril, Ang Mga Aplikasyon ay bukas para sa pansamantalang suplemento sa renta - Applications open for temporary rental supplement (PDF)
- 09-Abril, Mahalagang impormasyon para sa mga nangungupahan at mga kasero sa panahon ng COVID-19 - Information for renters and landlords during COVID-19 (PDF)
- 01-Abril, Ang kolaborasyong kagamitan na Zoom ay magagamit - Zoom collaboration tool now available for K-12 continuous learning (PDF)
- 31-Marso, Magkasamang pahayag ng Lalawigan ng British Columbia sa pagtugon sa COVID-19 at mga pinakahuling pagbabago - Joint statement on Province of B.C.’s COVID-19 response, latest updates (PDF)
- 30-Marso, Magkasamang pahayag ng Lalawigan ng British Columbia sa pagtugon sa COVID-19 at mga pinakahuling pagbabago - Joint statement on Province of B.C.’s COVID-19 response, latest updates (PDF)
- 27- Marso, Ang paggawa ng mga hakbang upang mapanatili ang pag-aaral ng mga bata habang nakasuspinde ang klase sa paaralan - Taking steps to keep kids learning during in-class school suspension (PDF)
- 26-Marso, Ang lalawigan ay nagsasagawa ng mga walang pamarisang mga hakbang upang suportahan ang pagtugon sa COVID-19 - Province takes unprecedented steps to support COVID-19 response (PDF)
- 24-Marso, Pagprotekta sa mga trabaho sa mga panahon ng kahirapan - Protecting jobs during difficult times (PDF)
Mga Karatula at Ibang Mga Biswal
Ang mga magulang ng mga bata na may mga espesyal na pangangailangan, mga bata na nasa pangangalaga, at ang kabataang tumatanda na palabas sa pangangalaga ay patuloy na tatanggap ng mga pandemyang suporta sa mga buwan ng tag-init. Dalawang beses sa maraming mga karapat-dapat na pamilya ng mga bata na may mga espesyal na pangangailangan ay makakakuha ng $225 bawa't buwan hanggang sa susunod na tatlong buwan. At ang mga kabataan at mga batang may sapat na gulang na nasa pangangalaga ay maaaring patuloy na tatanggap ng parehong antas ng serbisyo, kahit na sila ay nakatakdang tumatanda na palabas sa pangangalaga.
Matuto nang higit pa sa: https://news.gov.bc.ca/22460
Maaaring makilahok sa Phase 3 ang mga tao sa magalang at ligtas na paglalakbay sa BC. Si Dr. Bonnie Henry, ang ating Panlalawigang Opisyal ng Kalusugan, ay naglagay ng mga alituntunin sa paglalakbay para sa lahat na naglalakbay patungo at sa loob ng BC. Magsanay ng mabuting kaugalian sa paglalakbay habang ginalugad mo ang BC. At kung nakaramdam ka ng sakit, mangyaring manatili sa bahay. #DoYourPartBC #COVIDBC
Ang ating 'bagong normal' ay batay sa mga malagintong patakaran na naaangkop sa bawa't tao at bawa't sitwasyon. Ang COVID-19 ay hindi pa tapos. Nguni't ang pagsunod sa mga patakarang ito ay kritikal sa pagprotekta sa bawa't isa at panatilihing patag ang kurba.
Matuto nang higit pa tungkol sa Restart Plan (Plano sa Muling-pagsimula) ng BC: www.gov.bc.ca/restartBC
Kailangan nating pag-isipan ang tungkol sa kung paano natin pinakamahusay na maprotektahan ang iba at ating mga sarili. Ang ating mga kalagayan ay natatangi, nguni't ang mga bagay na kailangan nating gawin upang mapanatiling ligtas ang bawa't isa ay pareho. Maging maalalahanin. Magkaroon ng karagdagang pagsasaalang-alang para sa mga iba, lalo na ang mga nasa mas mataas na peligro. #COVIDBC
Malaman nang higit pa sa: gov.bc.ca/restartbc/guidelines-social-interaction
Ang mga poot na krimen at mga saloobin ng rasista ay tumaas mula nang magsimula ang pandemya - lalo na laban sa komunidad ng Asyano. Ang karahasan sa pisikal at emosyonal ay labis na nakaka-apekto at kailangan natin ang higit pa sa mga salita sa pagdating sa poot at pagkapanatiko. Kailangan nating kumilos.
Sa mga taong nag-ulat ng mga krimen na ito at sa mga taong tumulong - salamat sa inyong katapangan. Ang pagiging isang kapanig ay nangangahulugan na pagtawag sa mga tao nang direkta at pagtutulong kapag ang mga tao ay nakaramdam ng pagbabanta.
Ang COVID-19 ay walang nasyonalidad. Tayong lahat ay magkakasama dito.
Habang bumabagal ang bilang ng mga bagong kaso sa ating lalawigan, binago namin ang estratehiya sa pagsusuri ng COVID-19 ng BC upang umangkop. Ang isang bagong pokus upang buksan ang pagsusuri ay nangangahulugan na ang mga tao ay hindi nangangailangan ng isang pagsasangguni bago bumisita sa isang lugar ng pagsusuri ng COVID-19. Ang sinumang may mga sintomas ay maaari na ngayong tasahan at suriin, kung kinakailangan.
Malaman nang higit pa ang tungkol sa aming pinalawak na pagsusuri sa: http://www.bccdc.ca/health-info/diseases-conditions/covid-19/testing
May isang patakaran na hindi magbabago: kung masama ang iyong pakiramdam, manatili sa bahay. Walang mga eksepsyon. Walang nais na ilagay sa panganib ang kanilang pamilya, mga kaibigan, mga kapitbahay at mga katrabaho.
Kung mayroon kang mga sintomas ng COVID, gamitin ang BC COVID-19 na Kagamitan ng Pagtatasa sa Sarili (Self-Assessment Tool) upang matukoy kung kailangan mo ng karagdagang pagtatasa o pagsubok. Karagdagang impormasyon sa: http://www.bccdc.ca/health-info/diseases-conditions/covid-19/about-covid-19/if-you-are-sick
Nagsusumikap ang mga lokal na magsasaka at mga gumagawa ng pagkain upang ligtas na makakuha ng sariwa, lokal na pagkain sa mga mesa ng mga British Columbian - lalo na sa panahon ng COVID-19 na pandemya.
Patuloy nating ipakita ang suporta at pasasalamat sa ating mga kapitbahay. Bumili sa BC upang suportahan ang lokal na mga restawran, mga magsasaka, at mga gumagawa ng pagkain sa buong lalawigan. Tayong lahat ay magkakasama dito. https://buybc.gov.bc.ca/
Patuloy naming inirerekomenda na tayo ay manatiling lokal. Ang mga British Columbian ay may maraming galugarin at ipagdiwang sa kanilang sariling mga komunidad. Kung maaari nating mapanatiling mababa ang pagkakalat, maaari nating simulang tingnan ang paglalakbay sa ibang lugar sa loob ng ating lalawigan. Dapat pa rin tayong maging mapagpasensya at magalang: malugod na tatanggapin ng mga komunidad ang mga bisita kapag handa na sila. Suportahan ang turismo sa BC sa pamamagitan ng paggalugad ng lokal. Karagdagang impormasyon sa: https://www.hellobc.com/what-you-need-to-know/
Patuloy naming inirerekomenda na tayo ay manatiling lokal. Ang mga British Columbian ay may maraming galugarin at ipagdiwang sa kanilang sariling mga komunidad. Kung maaari nating mapanatiling mababa ang pagkakalat, maaari nating simulang tingnan ang paglalakbay sa ibang lugar sa loob ng ating lalawigan. Dapat pa rin tayong maging mapagpasensya at magalang: malugod na tatanggapin ng mga komunidad ang mga bisita kapag handa na sila. Suportahan ang turismo sa BC sa pamamagitan ng paggalugad ng lokal. Karagdagang impormasyon sa: https://www.hellobc.com/what-you-need-to-know/
Alam namin na maraming mga magulang sa BC ang nababahala tungkol sa pagpapabalik ng kanilang mga anak sa mga silid-aralan at pangangalaga sa bata. Ang bawa't magulang ay dapat gumawa ng pinakamahusay na desisyon para sa kanilang mga anak at pamilya.
Narito ang ilang mga bagay na alam natin tungkol sa mga bata at COVID-19:
- Ang COVID-19 ay may napakababang antas ng impeksyon sa mga bata. Kung nahawahan, ang mga bata ay may banayad na mga sintomas (kung mayroon man) at kakaunti ang nagiging kritikal.
- Napakaliit ang pagkakalat na kinasasangkutan ang mga bata sa labas ng mga kapaligaran ng sambahayan.
Ano ang dapat tandaan kung ang iyong anak ay babalik sa paaralan o pangangalaga ng bata:
1. Kung ang iyong anak ay may masamang pakiramdam, hayaang panatilihin sila sa bahay. Walang mga eksepsyon.
2. Dapat hugasan ng iyong anak ang kanilang mga kamay ng sabon at tubig, nang madalas.
3. Dapat magsanay ang mga kabataan ng pisikal na pagdidistansya sa mga tao sa labas ng kanilang sambahayan o kapaligiran.
4. Dapat limitahan ang mga batang musmos (na hindi maaaring magpisikal na pagdidistansya) sa mga tao sa labas ng kanilang kapaligiran sa sambahayan o pangangalaga sa bata.
Patuloy kaming magbibigay ng pinakabagong payo sa kalusugan ng publiko sa mga British Columbian. Kami ay nakatuon na panatilihing ligtas ang lahat sa BC. Alamin nang higit pa sa:
http://www.bccdc.ca/health-info/diseases-conditions/covid-19/childcare-schools
#COVIDBC
Maraming mga tao ay nag-aabang sa pagpapalawak ng kanilang sambahayang paligiran sa Phase 2. Nguni't tandaan: para sa bawa't aksyon na iyong ginagawa, para bang ang mga tao sa iyong sambahayang paligiran ay gumagawa din ng mga aksyon na iyon.
Mag-isip. Mag-isip sa katapusang linggong ito tungkol sa kung sino ang iyong papapasukin sa iyong sambahayang paligiran at kung paano ang iyong mga aksyon ay makakaapekto sa kanila - lalo na ang mga tao na may mas mataas na peligro para sa malubhang sakit mula sa COVID-19, kabilang ang mga nakatatandang tao at ang mga may talamak na kondisyon sa kalusugan.
Sa Hunyo 1, ang mga magulang ay may opsyon na ipadala ang kanilang mga anak na part-time sa paaralan, na may ipinatupad na mga bagong hakbang sa kalusugan at kaligtasan. Ang Plano ng Muling Pagsisimula ng BC ay naglalarawan ng isang unti-unting pagbabalik sa mga full-time na klase sa Setyembre, kung ligtas na gawin ito.
www.gov.bc.ca/safeschools #BritishColumbia #CovidBC
Ang mga bagong patnubay ng WorkSafeBC ay magagamit na ngayon para sa ilang mga negosyo at mga organisasyon na nakalista sa Phase 2. Sa pakikipagtulungan sa mga empleyado at mga unyon, dapat gamitin ng mga negosyo ang mga patnubay na ito upang lumikha ng isang pampublikong Ligtas na Plano sa COVID-19 na nagbabalangkas kung paano nila aayusin ang mga operasyon upang mapanatiling ligtas ang mga empleyado at publiko.
Alamin nang higit pa sa: https://www.worksafebc.com/en/about-us/covid-19-updates/covid-19-returning-safe-operation
Maaari nating itigil ang tanikala ng paghahatid ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagtitiyak na hindi tayo sapat na malapit upang maikalat ang virus na ito sa pagitan ng mga tao. Kailangan nating seryosohin ang mga hakbang na ito - para sa ating sarili, sa ating pamilya, at sa ating komunidad.
Ang pisikal na pagdidistansya (kilala rin bilang panlipunang pagdidistansya) ay nangangahulugan na:
Manatili sa bahay o sa loob
Limitahan ang mga lakad at mga tipanan
Manatiling 2 metrong layo mula sa iba sa labas ng iyong bahay
Walang mga pagtitipon ng grupo
Ngayong taon, ang mga magsasaka sa BC ay nasa isang mahirap na kalagayan, na may kakulangan sa trabaho dahil sa COVID-19 na pandemya. Makakatulong ang mga British Columbian sa pamamagitan ng pagkuha ng isang trabaho sa paglalagay ng sariwa, lokal na pagkain sa mga tindahan at sa mga mesa.
Lahat tayo ay kailangang magtulungan upang matulungan ang mga nagtatanim at mga tagagawa sa BC. Maghanap ng trabaho sa sektor ng agrikultura sa BC, at maging isang bayani ng pagkain sa BC: https://bcagjobs.gov.bc.ca/
Simulan ang pagpaplano ngayon! Ang lahat ng mga negosyo at mga organisasyon, kung nanatiling nakabukas ka o nagpaplano na muling magbukas sa Phase 2 o Phase 3, ay dapat magsimulang magplano na may mga puna mula sa iyong mga manggagawa para sa kung paano magpatakbo nang ligtas na paraan.
Ang bawa't negosyo ay nangangailangan ng isang pampublikong Plano ng Kaligtasan sa COVID upang magpatakbo sa BC. Tignan sa: https://www.worksafebc.com/en/about-us/covid-19-updates/covid-19-returning-safe-operation
Ang muling pagsimula ng BC ay magiging maingat, hakbang bawa’t hakbang na proseso upang matiyak na ang ating pinagsamang pagsisikap at sakripisyo ay hindi aksaya.
Ang ilang mga paghihigpit ay magaganap sa loob ng ilang sandali. Nguni’t ang ilang mga bagay ay magiging mas madali, simula sa kalagitnaan ng Mayo.
Nguni’t upang patuloy na sumulong, dapat tayong lahat - mga tao, mga negosyo at mga organisasyon – ay manatiling mapagbantay at sumusunod sa pinahusay na mga protokol ng BC, tulad ng paglilinis nang mas madalas at ginagawang ligtas ang mga puwang.
Gawin nating lahat ang ating bahagi habang tayo ay sumusulong, na magkasama.
Matuto nang higit pa tungkol sa Muling Pagsimula na Plano ng BC sa: www.gov.bc.ca/restartBC #COVIDBC #DoYourPartBC
Ang mga negosyo ng BC na naapektuhan ng COVID-19 ay maaari na ngayong makakuha ng isa-sa-isang suporta sa pamamagitan ng bagong Pangsuportang Serbisyo sa Negosyo ng B.C. sa COVID-19 (B.C. Business COVID-19 Support Service). Hanapin ang tamang suporta upang matulungan ang inyong negosyo at mga manggagawa sa panahon ng pandemyang ito. Tumawag sa 1 833-254-4357 o bisitahin ang http://covid.smallbusinessbc.ca
Kailangan mo ng tulong sa pagbabayad para sa iyong reseta? Sakop ng Fair PharmaCare ang 70% ng iyong karapat-dapat na gastos sa gamot pagkatapos mong mabayaran ang iyong pag-aawas. Kung ang iyong kita ay naapektuhan ng COVID-19 na pandemya, makipag-ugnay sa Health Insurance BC (1-800-663-7100) upang humiling ng pagsusuri ng kita upang iakma ang iyong pag-aawas.
Matuto nang higit pa sa: https://www.gov.bc.ca/fairpharmacare
Ang karahasan sa tahanan at matalik na kapareha, kabilang ang sekswal na pag-atake, ay maaaring tumaas sa panahon ng isang krisis. Kung nahaharap ka sa karahasan - alamin na hindi ka nag-iisa.
Maaari kang makakuha ng suporta mula sa VictimLinkBC sa pamamagitan ng pagtawag sa 1 800 563-0808 o email sa VictimLinkBC@bc211.ca. Ang tulong ay makukuha sa 150+ na mga wika.
Matuto nang higit pa sa:
Libu-libong mga maliliit na negosyo sa British Columbia ang makakakita ng kanilang buwanang upa na nabawasan ng hindi bababa sa 75%, sa bagong pederal-panlalawigang Canada Emergency Commercial Rent Assistance Program (CECRA) [Programa sa Pang-emerhensiyang Tulong sa Komersyal na Upa sa Canada], na ilulunsad sa kalagitnaan ng Mayo 2020.
Alamin ng higit pa sa: https://news.gov.bc.ca/22079
Ang mga tao na nawawalan ng kita dahil sa COVID-19 na pandemya ay maaaring mag-aplay para sa isang beses na $1000 na pagbabayad na walang buwis - bahagi ng Plano ng Aksyon ng COVID-19 ng BC. Ang mga aplikasyon para sa BC Emergency Benefit for Workers [Benepisyon Pang-emerhensiya para sa Mga Manggagawa ng BC] ay magbubukas sa Mayo 1, 2020 sa www.gov.bc.ca/workerbenefit.
Alamin ng higit pa sa: https://news.gov.bc.ca/22068
Epektibo kaagad, labag sa batas na muling ibenta ang mga medikal na suplay at iba pang mahahalagang kalakal para sa personal na kita sa panahon ng patuloy na COVID-19 na pandemya. Upang matiyak na pumupunta ang personal na kagamitang pamproteksiyon kung saan kinakailangan ng karamihan sa BC, ang nagpapatupad ng batas ay magbibigay ng mga $2,000 tiket para sa mga paglabag sa muling pagbebenta ng mahahalagang kalakal at labis na pagsisingil.
Alamin nang higit pa sa: https://news.gov.bc.ca/22040
Ang mga nangngupahan na nakakaranas ng pagkawala ng kita sa panahon ng COVID-19 na pandemya ay maaari na ngayong mag-apply para sa bagong Pansamantalang Suplemento sa Renta ng BC (BC Temporary Rental Supplement). Upang malaman ang tungkol sa pagiging karapat-dapat at mag-aplay, bisitahin ang: bchousing.org/bctrs #COVIDBC
Ang mga manggagawa na naapektuhan ng COVID-19 ay makakakuha ng walang limitasyong protektadong-trabahong walang bayad na bakasyon. Ito ay nangangahulugan na hindi ka maaaring mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 - kahit ikaw ay may sakit, naghiwalay sa sarili, o nag-aalaga sa iyong mga anak. At sa pangmatagalan, tinitiyak namin na ang mga manggagawa ay may 3 araw ng walang bayad na protektadong-trabaho na bakasyon dahil sa sakit bawa't taon.
Malaman nang higit pa sa: https://www2.gov.bc.ca/gov/content/safety/emergency-preparedness-response-recovery/covid-19-provincial-support/tl
Ang mga kababaihan ay nasa harap na linya ng COVID-19. Sa buong mundo, ang mga kababaihan ay mas malamang na nagbibigay ng bayad na pangangalaga sa mga taong may COVID-19, nagbibigay ng mahahalagang serbisyo, at gumawa ng hindi bayad na trabaho ng pangangalaga.
Sa BC, ang mga kababaihan ay kumakatawan sa:
🔸 97% ng mga medikal na lab technician
🔸 94% ng mga lisensyadong praktikal na nars
🔸 93% ng mga manggagawa sa pangangalaga ng bata
🔸 90% ng mga rehistradong nars
🔸 85% ng mga tumutulong sa pag-aalaga at mga katulong na nagtatrabaho sa ating mga pangmatagalan na pangangalagang tahanan
🔸 82% ng mga taong naglilinis ng ating mga ospital, paaralan, at mga gusali ng tanggapan
🔸 76% ng mga kahera
Mga Kababaihan sa BC: Salamat sa paglalagay ng inyong buhay sa linya araw-araw upang mapanatili ang kaligtasan ng mga tao sa buong BC.
Upang mabawasan ang mga panganib sa malaking sunog at ang epekto ng usok sa kalusugan ng mga tao sa panahon ng COVID-19, ang isang pagbabawal sa karamihan sa mga bukas na pagsusunog na aktibidad ay magkakabisa sa tanghali ng Abril 16. Kabilang dito ang:
🎆 Mga paputok at mga parol sa himpapawid
🔥 Mga sinusunog na bariles o mga sinusunog na hawla
🍂 Pagsusunog ng mga tambak o mga wakwak na tambak
Malaman nang higit pa: http://bcfireinfo.for.gov.bc.ca/hprScripts/WildfireNews/DisplayArticle.asp?ID=3183
Ang mga magulang ng mga bata na may mga espesyal na pangangailangan ay maaaring makakuha ng karagdagang tulong sa panahon ng COVID-19 sa pamamagitan ng bagong Pondong Pangsuporta para sa Pang-emerhensyang Lunas (Emergency Relief Support Fund).
Ang mga pamilyang kwalipikado ay makakatanggap ng $225 bawa’t buwan hanggang 3 buwan upang makatulong sa mga serbisyong pang-suporta tulad ng:
🔸paghahanda ng pagkain at pamilili ng groseri
🔸Mga serbisyo sa pangangasiwa ng bahay
🔸suporta sa kaginhawahan ng tagapagbigay ng pangangalaga
🔸mga serbisyo ng pagpapayo
🔸Iba pang mga serbisyo na sumusuporta sa mga pamilya
Alamin kung kwalipikado ka sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa isang manggagawa sa Mga Bata at Kabataan na may mga Espesyal na Pangangailangan [Child and Youth with Special Needs (CYSN)]. Matuto nang higit pa:
Nakakaramdam ng pagkabahala, pagkabalisa, o pagkadiskonekta dahil sa COVID-19? Hindi ka nag-iisa. Pinapalawak namin ang mga umiiral na mga programa sa pangkaisipang kalusugan, pinapahusay ang mga virtual na pagpipilian at maglulunsad ng mga bagong serbisyo upang matulungan ang mga tao sa BC na nagpupunyagi sa kanilang pangkaisipang kalusugan dahil sa COVID-19.
na pandemya.
Maghanap ng suporta dito: https://www2.gov.bc.ca/gov/content/health/managing-your-health/mental-health-substance-use/virtual-supports-covid-19
#COVIDBC
Kasama sa bagong Plano ng Aksyon sa COVID-19 ng BC ang:
- $1,000 Pang-emerhensiyang Benepisyo ng BC para sa mga Manggagawa
Mga bayarin ng pautang ng mag-aral ng BC ay ititigil ng 6 na buwan
- Ang pagbabayad ng ICBC ay ipagpapaliban ng hanggang 90 araw
- Mga kaloob ng BC Hydro o pagpaliban ng pagbabayad
- Hanggang $500/buwan upang tulungang magbayad ng renta
Higit pang mga suporta at impormasyon sa: https://www2.gov.bc.ca/gov/content/employment-business/covid-19-financial-supports
Epektibo kaagad, ang lahat ng dumarating sa BC mula sa ibang bansa ay kakailanganin na magkaroon ng isang 14-na araw ng paghihiwalay ng sarili na plano. Susuriin ng mga opisyal ang iyong plano upang matiyak na ligtas ito bago ka makapagpatuloy sa bahay upang maihiwalay ang sarili.
Ang mga umuuwi sa bahay ay mangangailangan ng tulong mula sa mga kaibigan, pamilya, o mga boluntaryo, para sa pagkain, mga reseta at iba pang kinakailangang mga suplay upang suportahan ang mabisang paghihiwalay ng sarili.
Epektibo kaagad, lahat ng mga Parke sa BC ay sarado upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Manatiling malapit sa bahay sa mahabang katupusan ng linggo at tumulong na panatilihing ligtas ang mga tao sa buong BC. Huwag pumunta sa mga parke ng lalawigan o maglakbay sa mas maliliit na komunidad.
#BCParks #ExploreBCLater
Higit sa 900 na mga lugar sa mga hotel, mga motel at mga sentrong pangkomunidad sa buong BC ay isiniguro upang tulungan ang mga walang silungan na tao na ihiwalay ang sarili. Tutukuyin ng mga awtoridad ng kalusugan ang mga taong kinakailangan na ihiwalay ang sarili at tutulungan silang maiugnay sa mga lugar na ito. Matuto nang higit pa: https://news.gov.bc.ca/21965 #COVIDBC
Ang mga aplikasyon para sa Canada Emergency Response Benefit (CERB) [Benepisyo sa Pang-emerhensiyang Tugon ng Canada] ay bukas na ngayon.
Ang CERB ay:
Magbibigay ng kinakailangang agarang suporta sa pinansiyal sa mga nagtatrabaho at mga may sariling trabaho na mga Canadian na huminto o titigil sa pagtatrabaho dahil sa mga kadahilanan na may kaugnayan sa COVID-19.
Magbibigay ng isang bayad na $2,000 para sa isang 4 na linggong panahon (katumbas sa $500 sa isang linggo) hanggang sa 16 na linggo.
May mga partikular na araw para ikaw ay mag-apply batay sa iyong buwan ng kapanganakan.
Hanapin ang higit pang mga detalye at kung paano mag-apply dito:
https://www.canada.ca/en/revenue-agency/services/benefits/apply-for-cerb-with-cra.html
Sa susunod na dalawang mapanganib na linggo dapat tayong maging 100% na nakatuon upang patagin ang kurba at bawasan ang mga nagwawasak na epekto ng virus na ito. Ang bawa't tao ay dapat magpatuloy na gawin ang kanilang bahagi -- nang magkakasama --habang tayo ay nanatiling magkahiwalay.
Epektibo kaagad, ang mga restawran ng BC ay maaari lamang mag-alok ng take-out at/o mga serbisyo ng paghahatid. Ang utos na ito ay inihayag ngayon ng ating Opisyal ng Panlalawigang Kalusugan na si Dr. Bonnie Henry na ipatupad ang panlipunang pagdidistansya at tumulong na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Upang suportahan ang mga tao sa panahon ng emerhensiyang COVID-19, hinihinto namin ang pagpapalayas, paghinto sa pagtaas ng upa, at nag-aalok ng isang bagong suplemento na magbibigay ng hanggang $500 isang buwan patungo sa upa at tiyakin na ang mga maylupa ay patuloy na tumtanggap ng kita sa pag-upa. Matuto ng higit pa sa: https://news.gov.bc.ca/21878
Kailangan nating gawin ang ating bahagi: ngayon. Ang panlipunang pagdidistansya at paghihiwalay sa sarili na ginagawa natin ngayon ay gagawa ng malaking pagkakaiba sa mga linggo at mga buwan sa hinaharap. Hikayatin ang iyong mga kaibigan, mga kapamilya at mga kapitbahay na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang limitahan ang pagkalat ng COVID-19
Kinakailangan ang mga mag-aabuloy ng dugo sa buong Canada. Kung malusog ka, ligtas na mag-abuloy ng dugo sa panahon ng COVID-19. Ito ay kritikal para sa mga pasyente, at maaaring makatulong na mabawasan ang stress sa ating sistema ng pangangalaga sa kalusugan. Malaman nang higit pa sa: www.blood.ca/en/covid19
Sa Marso 30, 2020 ang lahat ng mga mangungutang ng pautang sa mag-aaral ng BC ay pansamantalang isususpinde ang kanilang mga pagbabayad hanggang Setyembre 30, 2020. Sa panahong ito, ang pagbabayad ay awtomatikong ititigil ng sandali. Ang interes sa pederal na bahagi ng mga pautang ng mag-aaral ay hindi maiipon. Malaman nang higit pa sa: https://studentaidbc.ca/news/general/covid-19-coronavirus-information-bulletin-updated-march-26-2020
Sa pagpapanatili sa bahay pinoprotektahan mo ang kalusugan at kapakanan ng mga manggagawa sa ating mahahalagang serbisyo - lalo na ang mga manggagawa ng pangangalaga sa kalusugan at mga kawani ng suporta, na nangunguna sa paglaban sa pandemyang ito
Ang mga mag-aaral sa pampublikong post-sekundaryo ng BC na nakakaranas ng mga kagipitan sa pananalapi ay maaaring gamitin ang pang-emerhensiyang pinansiyal na tulong. Kami ay nagdaragdag din sa Pondo para sa Katutubong Emerhensiyang Tulong (Indigenous Emergency Assistance Fund), na tumutulong sa mga Katutubong mag-aaral na nakakaranas ng hindi inaasahang kagipitan sa pananalapi. https://news.gov.bc.ca/releases/2020AEST0018-000615
Dapat tayong magtulungan upang panatiliing ligtas ang ating nakatatandang mga mamamayan sa COVID-19. Sa tulong ng United Way, maaari kayong tumawag sa 2-1-1 o bisitahin ang http://www.bc211.ca kung kayo ay may-edad (synonym ng nakatatandang mamamayan) na nangangailangan ng tulong. Kung nais ninyong mag-volunteer o tumulong sa mga may-edad sa inyong komunidad upang alamin ang kanilang kalagayan o tumulong sa pagkuha ng kanilang mga groseri or resetang gamot, tumawag rin sa 2-1-1.
Bukas ang helpline (linyang pantulong) araw-araw sa inyong mga tawag para matulungang ligtas ang mga may-edad sa kanilang mga tahanan.
Ano ang isang mahalagang serbisyo? Sila ang mga serbisyong inaasahan ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Tumutulong sila sa pag-andar ng lipunan. At panatilihin ang buhay, kalusugan, at kaligtasan ng publiko. Ang mga mahahalagang serbisyo, tulad ng lahat ng mga negosyo sa BC, ay kailangang sundin ang mga utos ng Opisyal ng Kalusugan ng Lalawigan (Provincial Health Officer) na manatiling bukas. Hanapin ang isang listahan dito: https://www2.gov.bc.ca/gov/content/safety/emergency-preparedness-response-recovery/covid-19-provoleo-support/essential-services-covid-19
Ngayon ang oras upang ipagpaliban ang lahat ng mga personal na harapang pagtitipon at gumawa ng mga virtual na plano sa pagpista. Maghanap ng mga bagong paraan upang kumonekta at magdiwang ng mga pista opisyal kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan, habang nananatiling ligtas at nakahiwalay.
#DoYourPartBC #COVIDBC
Ang mga pandaraya at scam (panloloko) ng COVID-19 ay tina-target ang mga tao sa buong British Columbia. Ginagamit ng mga scammer (manloloko) ang takot sa COVID-19 upang samantalahin ang mga mahihinang tao sa panahon ng pandaigdigang pandemya.
Magkaroon ng kamalayan at iulat ang lahat ng mga kahina-hinalang teksto, email at tawag sa telepono. Sa kasalukuyan ay walang bakuna, lunas o inaprubahang panggamot sa virus na ito. Ang pagsusuri ng COVID-19 ay libre at ginagawa ng mga opisyal na laboratoryo lamang.
Para sa karagdagang impormasyon o mag-ulat ng isang pinaghihinalaang scam, bisitahin ang:
https://www.antifraudcentre-centreantifraude.ca/index-eng.htm
Ngayon na ang oras upang ipagpaliban ang lahat ng di-mahahalagang paglalakbay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Tulungan na panatilihing ligtas ang mga tao sa buong BC. Manatili sa bahay at huwag maglakbay sa mga mas maliit na komunidad
Para sa mga taong tumatanggap ng Tulong sa Kita o Tulong sa Kapansanan, nguni't hindi tumatanggap ng mga programa sa pang-emerhensiyang pederal na suporta, isang awtomatikong $300 na buwanang suplemento para sa COVID-19 na krisis ay idaragdag sa iyong mga tseke para sa susunod na 3 buwan. Kasama dito ang mga taong tumatanggap ng Mga Kaginhawaan na Pataan (Comfort Allowance) o Suplemento ng Sinyor.
Para sa mga nakatanggap ng bagong mga pang-emerhensiyang pederal na suporta, maaaring makuha mo ang mga programang ito nang walang anumang pagbabawas sa iyong buwanang panlalawigan na tulong. https://news.gov.bc.ca/21940
Ang pisikal na pagdidistansya ay hindi isang mungkahi, ito ay isang utos mula sa ating Opisyal ng Panlalawigang Kalusugan na si Dr. Bonnie Henry.
Ito ay nangangahulugan na:
Manatili sa bahay o sa loob.
Limitahan ang mga lakad at mga tipanan. Manatiling 2 metrong layo mula sa iba sa labas ng iyong bahay.
Walang mga pagtitipon ng grupo
Malaman nang higit pa sa: https://www2.gov.bc.ca/gov/content/safety/emergency-preparedness-response-recovery/covid-19-provincial-support/tl
Ang Service BC ay nagbibigay ng suporta para sa nasa harap ng linyang mga programa at serbisyo ng Pamahalaang BC. Sa ngayon, ang unang oras ng negosyo ay nakalaan - sa pamamagitan lamang ng tipanan - para sa mga sinyor at mga taong may kalakip na mga kondisyon sa kalusugan. Tumawag upang gumawa ng tipanan sa: https://www2.gov.bc.ca/gov/content/governments/organizational-structure/ministries-organizations/ministries/citizens-services/servicebc
#COVIDBC
Ang BC Hydro ay nag-aalok ng bago, naka-target na kaluwagan sa bayarin upang matulungan ang mga pinaka-naapektuhan ng pandemya ng COVID-19.
- Ang mga taong nawalan ng trabaho o hindi nagtrabaho bilang isang resulta ng COVID-19 ay makakatanggap ng kredito ng tatlong beses sa kanilang karaniwan na buwanang bayarin upang makatulong na sakupin ang gastos ng kanilang kuryente.
- Ang mga maliliit na negosyo na kailangang magsara dahil sa COVID-19 ay mapapatawad ang kanilang mga bayarin sa kuryente ng 3 buwan.
- Ang mga pangunahing industriya, tulad ng mga gilingan ng sapal at papel at mga mina, ay maaaring magpaliban nang 50% ng kanilang mga pagbabayad sa bayarin ng 3 buwan.
Matuto ng higit pa sa: https://news.gov.bc.ca/21931
Ikaw ba ay isang negosyo na maaaring magtustos ng mga produktong medikal at mga serbisyo upang suportahan ang pagtugon sa COVID-19 ng BC? Kailangan namin ang iyong tulong. Ang bagong COVID-19 Supply Hub (Sentro ng Tustos), isang yari sa BC na platafporma sa online, ay tutulong sa amin na mapagkukunan ng mga medikal na suplay at personal na kagamitan para sa proteksyon para sa ating mga nasa harap na pangkalusugang manggagawa. Maaaring magrehistro ang mga kumpanya dito: www.gov.bc.ca/supplyhub.
Ang mga magulang ng mga bata (0 hanggang 5), na nagtatrabaho sa harap na linya sa pagtugon ng COVID-19 ng BC ay maaaring maitugma sa pangangalaga ng bata sa kanilang mga komunidad. Alamin kung ikaw ay karapat-dapat bilang isang mahalagang manggagawa at punan ang isang pormularyo para sa Pansamantalang Emerhensiyang Pangangalaga ng Bata (Temporary Emergency Child Care) upang makilala ang iyong mga pangangailangan sa pangangalaga ng bata sa www.gov.bc.ca/essential-service-child-care o sa pamamagitan ng tawag sa 1-888-338-6622 at pagpili ng opsyon 4.
Tinitiyak namin na ang mga mahahalagang kalakal ay dumadaloy sa mga tindahan at mga ospital sa panahon ng COVID-19 na krisis. At ginagamit namin ang mga kapangyarihang pang-emerhensiya upang matiyak na ang mga tao ay hindi nagtatago o muling nagbebenta ng mga mahahalagang kagamitan tulad ng mga maskara sa mukha, sanitizer pangkamay, at tisyu sa banyo. Malaman nang higit pa sa: https://www2.gov.bc.ca/gov/content/safety/emergency-preparedness-response-recovery/covid-19-provincial-support/tl #COVIDBC
Gumagamit kami ng mga pambihirang kapangyarihan sa ilalim ng isang estado ng emerhensiya upang mapanatili ang kaligtasan ng mga tao, mapanatili ang mahahalagang mga kalakal at mga serbisyo, at suportahan ang aming patuloy na pagtugon sa COVID-19.
Epektibo kaagad, tutulong ang mga opisyal ng batas sa munisipyo na ipatupad ang mga utos ni Opisyal ng Panlalawigang Kalusugan na si Dr. Bonnie Henry - mga utos na maaaring magdala ng makabuluhang multa o oras sa bilangguan, sa ilalim ng awtoridad ng Public Health Act. Malaman nang higit pa sa: https://www2.gov.bc.ca/gov/content/safety/emergency-preparedness-response-recovery/covid-19-provincial-support/tl
Ang mga tsuper ng komersyal na trak ay nagsusumikap araw-araw upang ihatid ang mga mahahalagang panustos, pagkain at gamot sa mga komunidad ng BC. Tinitiyak namin na ang mga tsuper ng trak ay may ligtas, malinis, maayos na panustos na mga pasilidad sa mga lugar na pahingahan sa lalawigan at sa mga pangunahing lokasyon sa panahon ng COVID-19.
Maraming salamat sa mga tsuper ng trak --- para sa lahat ng inyong ginagawa para sa mga tao at mga negosyo sa buong BC.
Para sa higit na impormasyon: https://news.gov.bc.ca/22013
Ipinapakilala ang Showcase BC - isang bagong online na sentro na nagdadala ng buhay na mga pagtatanghal ng musika at mga kaganapan sa loob ng iyong sala. Tutulungan ng Showcase BC ang mga artista ng BC na apektado ng COVID-19 na pandemya at pagsamahin ang mga tao mula sa buong lalawigan. Galugarin ang mga pagtatanghal o magsumite ng isang kaganapan sa https://showcasebc.ca.