Gabay para sa mga respiratoryong sakit na dulot ng virus

Publication date: November 4, 2025

Makakuha ng impormasyon tungkol sa pagsusuot ng mask at mga tip para mapigilan ang mga respiratoryong sakit.

English繁體中文 | 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ  Tagalog 

Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles.

 Sa page na ito 

Pagsusuot ng mask

Para sa mga pampublikong indoor na setting: Hindi nire-require na magsuot ng mask ang mga indibidwal. Personal na desisyon ang pagsusuot ng mask, ngunit ito ay inirerekomenda kapag ikaw ay may sakit at hindi maaaring humiwalay sa ibang tao. Makakahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagsusuot ng mask sa website ng BC Centre for Disease Control.

Para sa mga pasilidad sa health care na may-ari, pinapatakbo at kinokontrata ng mga health authority: Maaaring magsuot ng medical mask ang mga staff, pasyente at mga bisita, depende sa kanilang personal na kagustuhan at kung saan sila komportable.

Ang mga pasyente sa mga pasilidad sa health care at mga residente ng long-term care at mga assisted living home para sa mga senior ay dapat magsuot ng medical mask, kung medically tolerated, kapag:

  • Mayroon silang sintomas ng mga respiratoryong sakit at nasa mga common area
  • Hiniling na magsuot ng mask kapag naghahatid ng pangangalaga at paggamot ang isang health care worker

Dapat patuloy na magsuot ng mga angkop na personal protective equipment ang mga health care worker, kabilang ang mga mask o respirator, ayon sa kanilang point-of-care risk assessment at patarakan sa pasilidad.

Iba pang paraan para maiwasan ang pagkakasakit

Dagdag pa sa pagpapabakuna, maaaring maiwasan ang pagkakasakit sa pamamagitan ng:

  • Madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o alcohol-based na hand sanitizer. Gumamit ng sabon at tubig kung nakikitang marumi ang iyong mga kamay
  • Pagtakip ng iyong ilong at bibig kapag bumabahing o umuubo. Bumahing o umubo sa iyong siko kaysa sa iyong mga kamay
  • Pananatili sa bahay kung masama ang iyong pakiramdam upang hindi mahawaan ang ibang tao

Mayroon akong mga tanong

Tumawag sa 8-1-1 para sa pangkalusugang impormasyon. Mayroong mga tagasalin.

24 oras sa isang araw, araw-araw, buong linggo