Dekriminalisasyon para sa mga gumagamit ng bawal na gamot sa B.C.

Last updated on June 4, 2024

English 繁體中文 | 简体中文 | Français ਪੰਜਾਬੀ | فارسیTagalog 한국어 Español عربى  | Tiếng Việt | 日本語 हिंदी 

Sa page na ito:


Ano ang dekriminalisasyon para sa mga gumagamit ng bawal na gamot

Ang adiksiyon o pagkalulong sa droga ay isang pangkalusugang isyu, at hindi pangkriminal. Ang dekriminalisasyon para sa mga gumagamit ng bawal na gamot ay isa sa maraming aksiyong ginagawa ng B.C. upang malutasan ang toxic drug crisis na pinapaslang ang ating mga mahal sa buhay. Ginagawa namin ito upang makuha ng mga mamamayan ang pangangalagang kailangan nila – mula sa prebensiyon at harm reduction hanggang sa pagpapagamot at recovery.

Ang layunin ng dekriminalisasyon para sa mga gumagamit ng bawal na gamot ay para mabawasan ang stigma at katatakutan na masampahan ng kriminal na kaso na siyang pumipigil sa mga mamamayang maghanap ng suporta, kabilang ang medikal na tulong.

Kasalukuyang umiiral sa B.C. ang mga sumusunod:

  • Ilegal ang pampublikong paggamit ng bawal na gamot. Pinagbabawalan ang paggamit o pagdadala ng mga bawal na gamot sa mga pampublikong lugar tulad ng mga ospital, negosyo, pampublikong transportasyon at parke.
  • Ang mga nasa hustong gulang ay maaaring magdala ng kaunting dami ng ilang bawal na gamot (opioids, cocaine, meth at ecstasy) para sa personal na paggamit sa mga partikular na lugar tulad ng mga pribadong tirahan, shelter, at mga lokasyon para sa outpatient addiction, prebensiyon ng overdose at drug-checking service.

Paano naaangkop ang Health Canada Exemption

Binigyan ng Health Canada ang province of B.C. ng tatlong taong eksepsiyon sa ilalim ng Controlled Drugs and Substances Act upang i-dekriminalisa ang mga gumagamit ng bawal na gamot. Ito ay ipinatupad noong Enero 31, 2023.

Sa ilalim ng eksepsiyong ito, pinapahintulutan ang pagdadala ng kaunting dami ng ilang bawal na gamot para sa personal na paggamit sa ilang lokasyon.

Sa mga lokasyong ito, ang mga nasa hustong gulang na 18 taong gulang pataas ay hindi aarestuhin, sasampahan ng kaso o kukumpiskahin ang droga dahil sa posesyon ng kaunting dami ng bawal na gamot para sa personal na paggamit. Sa halip, bibigyan sila ng impormasyong pangkalusugan at ire-refer sa mga paggamot at suporta kung ire-request ito.

Mga lokasyon:

  • Mga pribadong tirahan
  • Mga lugar kung saan legal na namamalagi o naka-shelter ang mga indibidwal na walang tirahan (mga lokasyong indoor at outdoor)
  • Mga lugar para sa prebensiyon ng overdose, drug checking at supervised consumption
  • Mga lugar na nagbibigay ng mga out-patient na serbisyo para sa pagkalulong sa droga tulad ng mga rapid access addiction clinic

Mga bawal na gamot na sakop ng eksepsiyon (hanggang 2.5 gramo kapag pinagsama):

  • Mga opioid (tulad ng heroin, morphine at fentanyl)
  • Crack at powder cocaine
  • Methamphetamine (meth o shabu)
  • MDMA (ecstasy)

Ano ang mananatiling ilegal

  • Ang mga nasa hustong gulang na 18 taong gulang pataas ay hindi maaaring magdala ng:
    • mahigit 2.5 gramo ng pinagsamang bawal na gamot na sakop ng eksepsiyon
    • anumang dami ng iba pang ipinagbabawal na gamot na hindi kasama sa eksepsiyon
    • anumang dami ng bawal na gamot sa mga pampublikong lugar tulad ng mga ospital, mga negosyo, pampublikong transportasyon at mga parke
  • Hindi maaaring magdala ng anumang dami ng bawal na gamot ang mga kabataang wala pang 18 taong gulang.
  • Hindi legal ang mga bawal na gamot. Hindi ito maaaring ilegal na ibenta o ibenta sa mga tindahan.
  • Patuloy na ilegal ang paggawa, pag-import at pag-export ng bawal na gamot, maliban na lamang kung ito ay awtorisado sa ilalim ng CDSA.

Pagpapatupad at kaligtasan ng publiko

  • Nakatanggap ng patnubay ang kapulisan upang suportahan ang pagtrato sa adiksiyon o pagkalulong sa bawal na gamot bilang isang pangkalusugang isyu at hindi pangkrimen.
  • Mayroon na ngayong mga pamamaraan at kakayahan ang kapulisan para malabanan ang problematikong paggamit ng bawal na gamot sa mga pampublikong lugar.
  • Kapag pinatawag sa isang lugar kung saan mayroong isinasagawang ilegal at mapanganib na paggamit ng droga, maaaring gawin ng mga pulis ang sumusunod:
    • Magbigay ng impormasyong pangkalusugan at mga referral para sa paggamot at mga panlipunang serbisyo
    • Paalisin ang indibidwal sa lugar
    • Kumpiskahin ang bawal na gamot, kapag kinakailangan
    • Arestuhin ang indibidwal, kung kailangan
  • Dagdag pa rito, rumeresponde ang mga rapid response team sa marami pang komunidad para sa mga tawag ng mga indibidwal na kasalukuyang nakakaranas ng mental health o addiction crisis:
    • Ang mga Mobile Integrated Crisis Response Team ay pinagpapares ang mga pulis at isang psychiatric nurse o social worker na may training upang mag-deescalate ng mga high risk na sitwasyon, magbigay ng agarang may espesyalisasyong pangangalaga, at maiugnay ang mga indibidwal sa mga suporta para sa recovery sa halip ng mga legal na resulta.
    • Ang mga Peer Assisted Care Team na mayroong mga mental health at may training na peer support worker ay magbibigay ng may malasakit at trauma-informed na pangangalaga sa mga low-risk na sitwasyon.
  • Pinagsasama-sama ng mga Safe Community Situation Table ang mga frontline staff mula sa kapulisan, mga sektor ng health at social services upang maiugnay ang mga bulnerableng indibidwal sa mga suporta para sa adiksiyon, mental health at pabahay bago sila makaranas ng isang negatibo o traumatic na pangyayari tulad ng overdose o pagkakulong.

Pagkonekta sa pangangalaga at paggamot

Kumplikado ang paggamot at recovery para sa adiksiyon. Walang iisang solusyon na gumagana para sa bawat indibidwal.

Ang B.C. ay nagtatayo ng isang model ng pangangalaga na nakakatulong sa mga indibidwal, nasa anumang bahagi man sila ng landas na kanilang tinatahak – mula sa prebensiyon at harm reduction hanggang sa paggamot at recovery.

  • Kung kasalukuyang naghahanap ng tulong, mayroong 24/7 na suporta as Help Starts Here.
  • Kung gumagamit ng bawal na gamot, isagawa ang mga hakbang upang manatiling ligtas:
    • Magdala ng Naloxone kit.
    • Gamitin ang Lifeguard app kapag mag-isang gumagamit ng bawal na gamot. Magbibigay ng alert sa 911 ang app kapag nakaranas ka ng overdose.
    • Mag-access ng mga serbisyo sa mga lugar para sa drug check, prebensiyon ng overdose, at supervised consumption.
    • Magtanong sa isang health care provider kung paano humanap ng paraan para sa recovery na makakatulong sa iyo.

Pagsubaybay at ebalwasyon

  • Ang B.C. ay nire-require ng Health Canada na magsagawa ng masusing pagsubaybay at magsagawa ng ebalwasyon ng pagpapatupad, mga maagang resulta, kaalaman ng publiko at hindi inaasahang pangyayari upang mabigyang-alam ang mga kasalukuyang pagbabago.
  • Sinusubaybayan ng B.C. ang:
    • mga pagbabago sa gawi ng pagpapatupad ng batas
    • mga pagbabago sa panlipunan at emosyonal na wellbeing ng mga indibidwal na gumagamit ng bawal na gamot
    • mga paraan para maka-access ng mga serbisyo at paggamot
    • progreso o mga pagsulong sa pagbuo ng isang sistema ng pangangalaga para sa mental health at adiksiyon
    • datos tungkol sa mga pagkumpiska o pagsamsam ng mga bawal na gamot at naisampang kaso para sa mga opensang kaugnay sa personal possession
    • kaalaman at pag-unawa ng publiko tungkol sa dekriminalisasyon
  • Ang BCCDC ay patuloy na sumusubaybay at nag-uulat ng datos tungkol sa mga unregulated drug poisoning.
  • Ang Pamahalaan ng Canada, sa pamamagitan ng Canadian Institutes for Health Research, ay nagpopondo ng third-party na pagsasaliksik upang masuri ang epekto ng eksepsiyon kaugnay sa paglutas ng mga pahamak na dulot ng substance use.

Mga ulat (Mababasa sa wikang Ingles)

Resources (Mababasa sa wikang Ingles)