Libre ang mga bakuna laban sa trangkaso (influenza o flu) at COVID-19 upang maprotektahan ka sa panahon ng mga respiratoryong sakit na dulot ng virus (viral respiratory illness). Maaaring magpabakuna ang lahat ng residente ng B.C. na 6 na buwang gulang pataas.
English | 繁體中文 | 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | Tagalog
Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles.

Ilagay sa iyong to-do list ang pagpapabakuna laban sa mga respiratoryong sakit. Ito ay ligtas, mabisa at nakakatulong para maiwasan ang malubhang pagkakasakit.
Maaari kang magpabakuna sa mga kalahok na botika, health authority clinic at ilang tanggapan ng mga primary-care provider sa iba’t ibang panig ng province.
Kung ikaw ay nakarehistro sa Get Vaccinated system, makakatanggap ka ng notipikasyon at booking link kapag panahon na para magpabakuna laban sa trangkaso (influenza o flu) at COVID-19. Kung hindi ka pa nakapagparehistro sa probinsiyal na Get Vaccinated system, maaari kang magrehistro online o sa pamamagitan ng pagtawag.
Dagdag pa sa pag-book ng iyong appointment online sa pamamagitan ng Get Vaccinated system, maaari mo ring i-check sa iyong lokal na botika kung mayroon silang available na walk-in appointment o tumawag sa 1-833-838-2323 para mag-book ng iyong appointment.
Kapag fall at winter, mas marami tayong nakikitang mga respiratoryong sakit na dulot ng virus na kumakalat sa ating mga komunidad, habang lalong lumalamig at mas madalas na namamalagi ang mga tao sa loob ng mga gusali. Ang mga respiratory virus ay maaaring magdulot ng mga malubhang kumplikasyong pangkalusugan at maaaring humantong sa pagkamatay. Ang pagpapabakuna ang pinakamabisang paraan para maprotektahan ang iyong sarili at ang mga malapit sa iyo. Mayroong karagdagang impormasyon tungkol sa mga respiratoryong sakit na dulot ng virus tulad ng trangkaso (influenza o flu), COVID-19 at pulmonya (pneumonia):
Hindi pa ako nakapagparehistro sa probinsiyal na Get Vaccinated system
Mag-register onlinePara magrehistro online, kailangan mong magbigay ng isang Personal Health Number (PHN). Ang bawat residente ng B.C. na naka-enroll sa Medical Services Plan (MSP) ay binibigyan ng isang PHN para makatanggap ng pangangalagang pangkalusugan. Mahahanap ang iyong PHN sa likod ng iyong lisensiya sa pagmamaneho (driver’s license), BC Services Card o CareCard.
Kung wala kang PHN, tumawag sa tanggapan ng MSP: 604-683-7151 (kapag tatawag mula sa Vancouver) o 1-800-663-7100 (toll-free o walang bayad kung tatawag saanman sa B.C.)
Kailangan ko ng impormasyon at payo tungkol sa aking kalusugan
Kung mayroon ka pa ring mga tanong tungkol sa pagbabakuna sa B.C., magpakonsulta sa iyong doktor o health care provider. Kung wala kang family doctor, tumawag sa 811.
Kailangan ko ng tulong para mag-book ng appointment
Tumawag sa: 1-833-838-2323 Lunes hanggang Biyernes, 8 am hanggang 6 pm. Sarado sa mga statutory holiday | Mayroong mga tagasalin
Hindi ako residente ng B.C.
Ang mga community pharmacist ay maaari lamang magbakuna ng mga residente sa B.C. na mayroong Personal Health Number. Ang mga hindi residente ng B.C. ay maaaring makipag-ugnayan sa isang lokal na public health unit ng health authority o tumawag sa B.C. vaccine line sa 1-833-838-2323 (walang bayad) upang makapagtanong tungkol sa availability ng mga appointment para sa pagbabakuna.
Tumawag sa call centre kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong mga opsiyon para sa iyong pagbabakuna laban sa trangkaso at/o COVID-19, at kung kailangan mo ng tulong para sa pag-book ng appointment. Makipag-ugnayan sa iyong health care provider kung mayroon kang mga tanong tungkol sa panahon kung kailan ka dapat magpabakuna.
Lunes hanggang Biyernes, 8 am hanggang 6 pm. Sarado sa mga statutory holiday | Mayroong mga tagasalin
Mula sa labas ng Canada at USA: 1-604-681-4261