Ang mga appointment para sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ay magsisimula sa Oktubre 13, 2026 at magpapatuloy ito ngayong fall at winter. Kung inirerekomenda sa iyong magpabakuna, makakatanggap ka ng notipikasyon sa pamamagitan ng Get Vaccinated system kapag panahon na para i-book ang iyong appointment.
Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles.
Mayroong libreng pinakabagong bakuna laban sa COVID-19 para sa mga residente ng B.C. ngayong fall at winter. Mapoprotektahan ka ng pagbabakuna laban sa mga malubhang sakit na mula sa COVID-19 sa panahon ng mga respiratoryong sakit na dulot ng mga virus.
Inirerekomenda ang pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa:
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong kwalipikasyon, makipag-ugnayan sa iyong health care provider o tumawag sa call centre.
Mayroong karagdagang impormasyon tungkol sa pagbabakuna laban sa COVID-19 sa HealthLink BC.
Ipapadala ang mga notipikasyon mula Oktubre hanggang Nobyembre 2026 sa mga indibidwal na inirerekomenda para magpabakuna laban sa COVID-19.
Kung inirerekomenda sa iyo ang bakuna laban sa COVID-19, makakatanggap ka ng notipikasyon sa pamamagitan ng Get Vaccinated system kapag panahon na para i-book ang iyong appointment.
Kung hindi ka pa nakatanggap ng notipikasyon sa kalagitnaan ng Nobyembre, maaaring tumawag sa 1-833-838-2323 o mag-log in sa Get Vaccinated system para mag-book ng appointment.
Magsisimula na ang mga appointment sa pagbabakuna laban sa COVID-19 sa Oktubre 13, 2026 at magpapatuloy ito ngayong fall at winter. Mas maraming appointment pa ang idadagdag habang dumarating ang mga bakuna sa B.C.
Mag-book ng appointment Kailangan mo ang iyong PHN para makapag-book ng appointment online.
Mag-update ng appointment Upang baguhin ang appointment online, kakailanganin mo ang iyong booking confirmation number at PHN.
Magdagdag o mag-update ng iyong contact information sa Get Vaccinated system upang makatanggap ng mga notipikasyon kapag panahon na para magbook ng iyong mga appointment sa pagbabakuna laban sa COVID-19 at influenza o trangkaso.
Maaari kang magdagdag o mag-update ng impormasyon para sa iyong sarili o para sa ibang tao, tulad ng isang magulang, lolo o lola, o iyong anak.
I-manage ang iyong contact information
Impormasyon tungkol sa COVID-19 (nasa wikang Ingles):
Mga bakunang makukuha sa B.C.
Mayroong masinsinang proseso ng pag-apruba upang matiyak na ang mga aprubadong bakuna ay ligtas at epektibo.
Tatlo ang kasalukuyang aprubadong bakuna laban sa COVID-19 (dalawang mRNA at isang hindi mRNA), at ang lahat ng ito ay makukuha sa B.C. ngayong taon. Mayroong karagdagang impormasyon tungkol sa mga aprubadong bakuna laban sa COVID-19 sa Canada.
Magkakaroon ang B.C. ng ilang hindi mRNA na bakuna (Nuvaxovid) sa mga botika sa komunidad ngayong 2026-27 viral respiratory illness season. Kung interesado kang tumanggap ng bakunang hindi mRNA, tumawag sa call centre para sa karagdagang impormasyon.
Hanapin ang aking Personal Health Number (PHN)
Ang bawat residente ng B.C. na naka-enroll sa Medical Services Plan ay binibigyan ng isang natatanging lifetime identifier para sa health care na tinatawag na Personal Health Number (PHN). Makikita ang iyong PHN sa likod ng iyong B.C. Driver’s Licence, BC Services Card o CareCard.
Wala akong PHN
Kung tama ang inilagay mong PHN ngunit nakakaranas ng problema sa pag-log in, mangyaring tumawag sa call centre sa 1-833-838-2323 para makakuha ng tulong. Kung wala kang PHN, tumawag sa Health Insurance BC: 604-683-7151 (kapag tatawag mula sa Vancouver) o 1-800-663-7100 (toll-free o walang bayad kung tatawag saanman sa B.C.).
Maaari pa rin ba akong makapagpabakuna laban sa COVID-19 kahit hindi ako bahagi ng mga inirekomendang grupo?
Ang lahat ng interesadong indibidwal sa B.C. ay maaaring makatanggap ng libreng bakuna laban sa COVID-19. Kapag natanggap mo na ang iyong notipikasyon para mag-book online ng iyong appointment para sa trangkaso, maaari mo ring piliin na isabay ang pagpapabakuna laban sa COVID-19. Tumawag sa call centre sa 1-833-838-2323 o mag-log in sa Get Vaccinated system upang mag-book ng iyong appointment.
Hindi ako residente ng B.C.
Binibigyang priyoridad ang mga residente ng B.C. para sa mga appointment ng bakuna laban sa COVID-19, lalo na ang mga indibidwal na mas mataas ang panganib na magkaroon ng malubhang sakit.
Ang mga residenteng mula sa ibang province at teritoryo sa Canada na nais magpabakuna sa B.C. ay maaaring tumawag sa probinsiyal na vaccine line sa 1-833-838-2323 (walang bayad) upang malaman kung aling public health unit ang mayroong available na appointment sa pagbabakuna para sa mga hindi residente ng B.C.
Access sa aking immunization record
Maaari mong ma-access online ang iyong rekord ng pagbabakuna sa pamamagitan ng Health Gateway.
Kung hindi makita ang iyong immunization records sa Health Gateway, maaari itong idagdag sa electronic Provincial Immunization Registry.
Kailangan ko ng impormasyon at payo tungkol sa aking personal na kalusugan
Kung mayroon ka pa ring mga tanong tungkol sa pagbabakuna sa B.C., magpakonsulta sa iyong doktor o health care provider.
Kung wala kang family doctor, tumawag sa 811.
Tumawag sa call centre kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong mga opsiyon sa pagbabakuna laban sa COVID-19 at kailangan ng tulong sa pag-book ng appointment. Makipag-ugnayan sa iyong health care provider kung mayroon kang mga tanong tungkol sa kung kailan ka dapat magpabakuna.
Lunes hanggang Biyernes, 8 am hanggang 6 pm (Pacific time). Matatawagan din kapag Sabado, mula Oktubre 17 hanggang Nobyembre 7. Sarado sa mga statutory holiday | Mayroong libreng tulong para sa iba’t ibang wika
Mula sa labas ng Canada at USA: 1-604-681-4261
Para humingi ng tulong sa ibang wika bukod pa sa Ingles, sabihin ang pangalan ng wika kapag tumawag. Sinusuportahan ng phone line ang mahigit 220 wika, kabilang ang: