Maaaring matukoy ng mga pagsusuri kung ikaw ay may COVID-19. Mayroong dalawang aprubadong gamot na makakatulong upang maiwasan ang malubhang pagkakasakit para sa mga may mas mataas na panganib mula sa COVID-19.
English | 繁體中文| 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | فارسی | Tagalog | 한국어 | Español | عربى | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी | Українська | Русский
Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles
Maaaring gamitin ang mga rapid test para masuri sa bahay ang mga may sintomas ng COVID-19.
Ang mga test kit ay makukuha nang libre sa mga botika sa maraming komunidad.
Maghanap ng mga rapid test kit
Ang bawat kit ay may kasamang tagubilin kung paano gamitin ang mga test. Maaari ka ring magtanong sa pharmacist kung mayroon kang katanungan.
Para sa higit pang impormasyon sa tungkol sa testing o pagsusuri para sa COVID-19, basahin ang page ng BCCDC tungkol sa Testing para sa COVID-19.
Mayroong dalawang therapeutic treatment o gamot na aprubado para sa COVID-19 kung mayroon kang mild (hindi malubha) o moderate (katamtaman) na sintomas ng COVID-19:
Hindi pinipigilan ng mga gamot na ito ang pagkakaroon ng COVID-19. Ginagamit ito upang mapigilan ang pagkakaroon ng malubhang sakit sa mga taong mas mataas ang panganib mula sa COVID-19.
Para maging epektibo, dapat inumin ang Paxlovid sa loob ng 5 araw at ang remdesivir naman ay kailangang gamitin sa loob ng 7 araw mula nang magkaroon ng mga sintomas. Para maging ligtas, dapat na mayroong reseta ang mga gamot na ito galing sa isang health care provider. Maaaring hindi ka makakatanggap ng gamot na ito kung umiinom o tumatanggap ka na ng iba pang mga gamot.
Bisitahin ang website ng BCCDC para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga gamot para sa COVID-19.
Maaaring makatulong ang mga gamot kung mayroon kang mild (hindi malubha) o moderate (katamtaman) na sintomas na nagsimula sa nakaraang 5 araw at isang positibong resulta. Maaaring irekomenda ang Paxlovid kung ikaw ay:
Halimbawa:
Halimbawa:
Kung nagpositibo ka sa COVID-19 at naniniwala kang makakatulong ang gamot sa iyo, makipag-ugnayan sa iyong family doctor, nurse practitioner o specialist sa lalong madaling panahon. Hindi magagarantiyang makakatanggap ka ng gamot. Hindi para sa lahat ang mga paggamot na Paxlovid at Remdesivir at dapat inireseta ito ng isang health care provider. Maaaring pagdesisyunan ng isang doktor o pharmacist sa anumang stage na hindi para sa iyo ang gamot.
Ang mga residente ng B.C. ay dapat naka-enroll sa Medical Services Plan (MSP) upang magkaroon ng PharmaCare coverage para sa Paxlovid. Mayroong karagdagang impormasyon tungkol sa Paxlovid para sa mga residente ng B.C.
Kung wala kang family doctor, nurse practitioner o espesyalista, o hindi makakuha ng appointment sa loob ng 3 araw mula magsimula ang mga sintomas, Tumawag 8-1-1.
Habang naghihintay ng desisyon tungkol sa iyong gamot, basahin ang patnubay ng BCCDC tungkol sa pamamahala ng mga sintomas ng COVID-19 sa bahay.
Kung magkaroon ka ng malubhang sintomas, dapat na kaagad:
Kung pinayuhan ka na hindi nararapat para sa iyo gamot na Paxlovid o Remdesivir, dapat mong:
Tumawag: 8-1-1 Mayroong mga tagasalin
Araw-araw buong linggo