Mag-apply para sa B.C. health and drug coverage

Last updated on January 13, 2025

Gamitin ang single form na ito para mag-apply para sa isa o higit pa sa mga programang ito: 

Medical Services Plan (MSP) 

Nagbabayad para sa mga medikal na kinakailangang serbisyo ng mga doktor at surgeon, at dental o oral surgery na ginawa sa isang ospital. Alinsunod sa batas, ang B.C. residents ay dapat mag-enroll sa MSP. Dapat ay pisikal kang nasa B.C. para mag-enroll sa MSP.

Fair PharmaCare  

Tumutulong sa pagbayad para sa ilang mga gamot at medical devices at supplies, tulad ng prostheses at diabetes supplies. Ito'y batay sa income. Kapag mas kaunti ang iyong kita, mas marami kang tulong na makukuha.

Supplementary Benefits

Naglalaan ng partial payment para sa ilang takdang medikal na serbisyo tulad ng acupuncture at massage therapy, at maaari itong magbigay ng access sa ibang mga programa batay sa income. Ang mga indibidwal o mga pamilya ay dapat may adjusted net income na $42,000 bawat taon o mas mababa pa para maging eligible.

Mag-apply na ngayon

Para mag-apply para sa Fair PharmaCare at/o Supplementary Benefits, dapat ay naka-enroll   ka na sa MSP o sabay na nag-aaplay para sa MSP.

Paunawa: Ang B.C. Application for Health and Drug Coverage ay kasalukuyang available sa Ingles lamang.


Ano ang kailangan mo upang mag-apply

Upang mag-apply para sa MSP: Kailangan kang mag-upload ng mga kopya ng tinatanggap na ID. Dapat ipinapakita ng ID na inupload mo ang iyong buong legal na pangalan at legal status sa Canada para sa lahat ng nasa form.

 

Tinatanggap na ID

Tinatanggap na ID
Canadian citizens Permanent residents Para sa mga may temporary documents
  • Canadian birth certificate
  • Canadian citizenship card (harap at likod)
  • Certificate of Canadian citizenship
  • Canadian passport
  • First Nations status card
  • Métis status card
  • Record of Landing
  • Kompirmasyon ng Permanent Residence
  • Permanent resident card
  • Study permit
  • Work permit (ang Working Holiday permit ay dapat may kasamang letter of employment)
  • Visitor permit (accompanying spouse o child)

Kung ang iyong kasarian ay naiiba sa kung ano ang nasa iyong ID, mag-submit ng:

Kung ang pangalan sa form na ito ay naiiba sa pangalan sa ID, mag-submit ng kopya ng isang marriage certificate, divorce decree, o name change certificate na nagpapakita ng buong legal na pangalan.

Upang mag-apply para sa Fair PharmaCare: Kailangan mo ng detalye mula sa iyong Canada Revenue Agency notice of assessment o kaya reassessment noong nakaraang dalawang taon. Kung nag-aaplay ka sa 2025, kailangan mo ang iyong tax information para sa 2023.

Upang mag-apply para sa Supplementary Benefits: Kailangan mo ng detalye mula sa iyong pinakabagong Canada Revenue Agency notice of assessment o kaya reassessment.


Pagkatapos mong mag-apply

Kung nag-apply ka para sa MSP at sa Fair PharmaCare at/o Supplementary Benefits, ang iyong aplikasyon para sa MSP enrollment ang siyang unang iproproseso. Padadalhan ka namin ng sulat tungkol sa iyong MSP enrollment, at mga magkahiwalay na sulat tungkol sa iyong mga aplikasyon para sa Fair PharmaCare at/o Supplementary Benefits. Ang iyong Fair PharmaCare account ay magiging active oras na nakompleto na ang iyong MSP enrollment.

Kung mag-aaplay ka para lamang sa Fair PharmaCare at/o Supplementary Benefits, makakatanggap ka ng magkakahiwalay na sulat mula sa bawat programa sa loob ng ilang mga linggo pagkatapos mag-apply.


Aabutin nang mga 30 minuto para makompleto ang online form. Ang iyong entries ay ise-save sa computer o device na iyong ginagamit hanggang isinara mo ang iyong browser window o sinubmit mo ang form.

Gamitin ang latest version ng Firefox, Chrome o Safari.

Ang online form ay tumutupad sa web accessibility standards.


Sa mail

Maaari ka ring mag-apply sa mail gamit ang isang papel na form:

I-mail ang kinompletong form sa:

Health Insurance BC
Medical Services Plan/Fair PharmaCare
PO Box 9678 Stn Prov Govt
Victoria BC  V8W 9P7

Siguraduhing isama sa iyong form ang lahat ng kinakailangang supporting documents.


Maaari kang mag-apply para sa Fair PharmaCare sa telepono, sa mga numero sa ibabâ.

Kontakin kami

Lower Mainland: (604) 683-7151
Sa ibang lugar sa B.C.: 1 (800) 663-7100 (toll-free)

Kami ay naglalaan ng interpreter services sa mahigit sa 140 wika.

Para sa karagdagang impormasyon

May karagdagang impormasyon tungkol sa health at drug coverage sa British Columbia.

Kung naka-enroll ka na sa MSP, maaari mong i-update ang iyong MSP account online.