Ang mga Integrated Child and Youth (ICY) Team ay bahagi ng mga pagsisikap ng Province upang bumuo ng isang komprehensibong sistema ng pangangalaga para sa mental health at para malabanan ang adiksiyon. Inihahatid ng mga ICY team ang mga serbisyo sa pamamagitan ng isang multidisciplinary team setting.
Tungkol sa mga Integrated Child and Youth Team
Sinusuportahan ng bawat team ang mga bata at kabataan sa loob ng isang school district mula pagkabata hanggang 19 taong gulang (maaaring hanggang 21 taong gulang kung tumatanggap na sila ng mga serbisyo sa pamamagitan ng isang ICY Team, batay sa pinakaangkop).
Mahalagang Impormasyon (Fast Facts Sheet)
Mayroong 39 na ICY team ang kasalukuyang may operasyon o ipinapatupad sa mga komunidad ng 20 school district. Ang bawat komunidad ay mayroong 1 hanggang 6 na team.
Fraser Region
Upang lumapit sa mga ICY Team (nakalista sa ibaba ang mga aktibong team), makipag-ugnayan sa iyong lokal na CYMH intake clinic, guro, ibang staff ng paaralan, family doctor o nurse practitioner para humiling na makonekta sa kanila.
Interior Region
Upang lumapit sa mga ICY Team (nakalista sa ibaba ang mga aktibong team), makipag-ugnayan sa iyong lokal na CYMH intake clinic, guro, ibang staff ng paaralan, family doctor o nurse practitioner para humiling na makonekta sa kanila.
Island Region
Northern Region
Vancouver / Coastal Region
Mga team at mga serbisyo
Kabilang sa mga ICY Team member ang:
Isinasagawa ng mga team member ang kanilang tungkulin bilang isang may istruktura at magkaugnay na team, na naghahatid ng mga wrap-around na serbisyo at suporta. Batay sa pangangailangan ng mga bata o kabataan, maaaring magsama ng dagdag pang team member, tulad ng mga family doctor, mga social worker, mga coach, mga indibidwal na nagbibigay ng suporta, Elders, iba pang counsellor o propesyonal (hindi pinopondohan).
Makikipagtulungan ang mga ICY Team sa mga bata, kabataan at kanilang mga pamilya sa ligtas at komportableng lugar. Maghahatid din sila ng mga outreach/outbound na serbisyo, dagdag pa sa pakikipag-ugnayan sa mas na tradisyonal na setting sa mga opisina.
Maaaring makakuha ng mga suportang multikultural at angkop sa kultura (na batay sa tumatanggap), at tinutukoy ito sa bawat komunidad, kabilang ang mga posisyon na sinusuportahan ang mga Indigenous na bata at kabataan.
Access
Tinutulungan ng mga ICY Team ang mga bata, kabataan at kanilang pamilya para mahanap ang pangangalagang kailangan nila. Ang mga ICY Team ay tumatanggap ng mga referral mula sa ibang service provider tulad ng early years services, mga staff ng paaralan, mga serbisyo para sa mental health at substance use, mga Foundry centre at mga organisasyong sinusuportahan ang mga kabataang First Nations, Métis at Inuit. Maaaring i-refer ng mga bata, kabataan at pamilya ang kanilang sarili (self-refer) kapag kumpleto ang staff at normal ang operasyon ng mga team.
Mahalaga rin ang pagkakaroon ng access sa pangangalaga na itinataguyod ang mga tradisyonal na istruktura ng ugnayan sa mga Indigenous na komunidad, at maaaring kasama dito ang referral mula sa isang Hereditary Chief o Nation ng bata/kabataan.
Malapit na makikipagtulungan ang mga ICY Team sa mga paaralan, early years services, at primary care, at ikokonekta ang mga kabataan sa mga serbisyong may espesyalisasyon at mas may mataas na intensity kapag kinakailangan.
Mga serbisyo para sa Indigenous Peoples
Nagsisikap ang mga team upang magkaroon ng mga pamamaraan na mas angkop sa kultura, batay sa natatanging katangian (distinctions-based), at nakatuon sa mga bata, kabataan, pamilya at komunidad/Nation. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng patuloy na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa mga Indigenous na partner at Nation. Ang mga pamamaraang ito ay sensitibo sa mga paksa ukol sa gender (kinikilalang kasarian), pagkakaiba-iba (diversity) at malawak na epekto ng trauma. Hangga't posible, ang mga serbisyo para sa mga bata at kabataang Inuit, First Nations at Métis ay inihahatid ng mga Indigenous na provider, at maaaring mag-imbita ng mga dagdag na team member.
Dagdag pa rito, maaaring mas ramdam ng ilang bata, kabataan at pamilya na sila’y mas ligtas, mas tinatanggap at mas mataas ang pagkakataon na humingi ng tulong sa setting na mahahanap sa komunidad. Maaaring maghatid ng serbisyo ang mga ICY Team sa pamamagitan ng mga serbisyong malalapitan sa komunidad sa mga lugar o organisasyong naglilingkod para sa mga bata, kabataan at pamilyang First Nations, Métis at Inuit, tulad ng mga Friendship Centre, mga drop-in centre, mga recreational program o mga meal program, na ayon sa mga naaangkop sa bawat komunidad.
Coverage o sakop ng serbisyo
Isinasagawa ng mga ICY team ang kanilang tungkulin sa loob ng mga school district at pinapanatili ang malapit na ugnayan sa mga grupo ng paaralan, kung saan pinaglilingkuran ang lahat ng mga bata, kabataan at mga pamilya na nasa loob ng mga school district, kabilang ang mga pumapasok sa mga paaralan na pinapatakbo ng First Nations, mga independent school, alternatibong setting ng pag-aaral o mga hindi pumapasok sa paaralan.
Kung kasalukuyang tumatanggap ng serbisyo para sa mental health o substance use ang mga bata at kabataan, maaari silang manatili sa kasalukuyan nilang service provider, kahit na hindi sila nasa parehong lugar upang maipagpatuloy ang ugnayan at attachment.
Resources
Resources para sa mga Bata at Kabataan
Mga serbisyo sa mga health authority
Makakakuha agad ng suporta para sa
Suicide crisis: 1 800 SUICIDE(1 800 784-2433)
Mental health issue: 310-6789(24 hours)
KUU-US Indigenous crisis line: 1 800-588-8717(24 hours)
Medical emergency: 911
Kids Help Phone (I-text ang CONNECT sa 686868)
Sinusuportahan ng Provincial Support Office ang pagpapatupad ng bawat Integrated Child and Youth Team. Maaaring makipag-ugnayan sa amin kung mayroong mga tanong.
Ipinapakita ng Data Snapshot ang partikular na buod ng progresong naaabot ng Pamahalaan sa pagbuo ng isang magkaugnay at banayad na pamamaaraan ng pangangalaga na pinaglilingkuran ang lahat ng tao sa British Columbia.
Hindi nagpapadaig sa mga bagong hamon ang B.C. upang matiyak na nakukuha ng mga mamamayan ang pangangalagang kailangan nila, saanman at kailanman nila ito kailangan, gaano man karami ang mga pagsubok.
Impormasyon tungkol sa mas mahusay na pangangalaga para sa mental health at laban sa adiksiyon.