Mga paghihigpit sa buong lalawigan

Tinanggal na ang mga restriksiyon o paghihigpit para sa buong lalawigan. 

English | 繁體中文 简体中文 Français ਪੰਜਾਬੀ فارسی  | Tagalog 한국어 Español عربى Tiếng Việt 日本語 हिंदी

Huling binago: Abril 6, 2023 

Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles

Sa page na ito:


Mga mask

Hindi nire-require ng public health ang pagsusuot ng mask sa mga pampublikong indoor na lugar. Personal na desisyon ang pagsusuot ng mask. 

Hinihikayat ang pagsusuot ng mask, pero hindi ito required, kapag bumabiyahe sa himpapawid, tren, pampublikong transportasyon o BC Ferries.  

Maaaring piliin ng mga indibidwal na negosyo at mga event organizer na mag-require ng pagsususot ng mask sa kanilang mga lugar. Mahalagang irespeto natin ang desisyon ng mga tao, negosyo at ng isa’t isa. 

Mga mask at health-care setting

Personal na desisyon at hindi nire-require ng public health ang pagsusuot ng mask sa karamihan ng settings at units ng health-care. 

Sa ilang health-care settings, kailangan mong magsuot ng isang medical mask kapag hiniling ng isang propesyonal sa health-care. 


Mga pagtitipon at events

Walang restriksiyon para sa mga:

  • Personal na pagtitipon
  • Organisadong pagtitipon at events, tulad ng mga kasal at libing
  • Worship service
  • Aktibidad sa ehersisyo at fitness
  • Swimming pool

Mga restaurant, pub, bar at nightclub

Walang restriksiyon para sa mga restaurant, bar, pub at nightclub.


Mga aktibidad ng sports

Walang restriksiyon sa mga aktibidad sa sports.  


Pagbisita sa mga pasilidad ng long-term care o seniors’ assisted living

Walang restriksiyon para sa mga bisita sa mga pasilidad ng long-term care at seniors’ assisted living.  

Ang mga may sakit o may sintomas ng pagkakasakit ay dapat hindi pumunta sa mga long-term care at seniors’ assisted living sites. 

Inaasahan ang mga bisita na sumunod sa mga pag-iingat sa bawat pasilidad, kabilang dito ang: 

  • Paghuhugas ng kamay o hand hygiene 
  • Respiratory etiquette tulad ng pag-ubo sa iyong siko, pagtatapon ng mga nagamit na tissue sa basurahan at paghuhugas ng iyong mga kamay o paggamit ng sanitizer pagkatapos nito 
  • Pisikal na distansiya 
  • Pagsusuot ng mask, kapag naaangkop o kapag ni-request ng isang propesyonal sa health-care